Wednesday, February 27, 2008

ISANG ARAW SA VILLA BERDE. . .





Nagbabasa ako ng BUY and SELL dahil wala akong magawa. . .

nang biglang. . . *POOF*

VN: PARE TIGNAN MO TO. . .
WHITE BOY: HUH?



WHITE BOY & VN: BWAHAHAHAHAHHAHAHAHHA!



WOW! PWEDE BA TO KAY DAGUL? LALAKI NAMAN SIYA DIBA?! MALE ENLARGER NAMAN TO DIBA?! HWAHAHA NALANG KAMI NG KAIBIGAN KO HABANG NAGBABASA at ETO PA! (BUT WAIT THERES MORE!)


DI MO ALAM KUNG NANG AASAR O KORNI LANG TALAGA EH! BWAHAHAHAH!

Watch what happens. . .

After Beijing Olympics. . . 08/08/08
kung papaano mabilis na magiging power country ang CHINA at mapapanis lahat ng western. . .
Imagine 1 Billion +++ na katao na karamihan ay masisipag pa sa kalabaw kung magtrabaho
at matino pa sa mga ungoy na puti.
Just watch. . .
It's Inevitable.

ASA KA PA. . .

MAS PINAHAHALAGAHAN PA ANG MAGING 1ST WORLD COUNTRY KESA MAGING FIRST CLASS CITIZENS. . . Damn. . . Kung saan ang mga tao ay nahahati sa anim. ( may branches pa)

REPTILES

CRABS

UPPER CLASS

MIDDLE CLASS

LOWER CLASS

REPTILE MANURE.









Kelan magiging first world country ang bansang mas malaki pa ang FUNDING sa MGA DEAL NA WALA NAMANG ALAM at MAPAPALA ANG TAO kesa sa EDUKASYON na PUNDASYON NG SUSUNOD NA HENERASYON?




Kabobohan ng karamihan ng Pinoy. . . sana naging taga neptune nalang ako. cool pa.


QUOTE FOR THE DAY

"When I am happy I feel like crying, but when I am sad I don't feel like laughing. I think it is better to be happy; then you get two feelings for the price of one." ~Lily Tomlin

To the low in spirit. . .


Just remember the song by OASIS. . .

"Hold up... hold on... don't be scared You'll never change what's been and gone May your smile... Shine on... Don't be scared Your destiny may keep you warm. Cos all of the stars are fading away Just try not to worry you'll see them some day Take what you need and be on your way And stop crying your heart out. . ."
Saying "I MOVED ON" all the time is like saying "I QUITTED smoking" but in reality you still crave for it. . . its just a denial being formed into words. . .
Crying is an outburst of feeling Extreme Happiness, Confusion, Depression or Pain.
Some Cry Because They want other people to notice them and to Pity them. . .
WHICH IS WRONG.
SELF-PITY IS THE STUPIDEST THING A PERSON CAN DO TO HIS/HER SELF. . .
Some Cries are to be heard. . . and some to be ignored, because not all of them are real.
It takes experience and understanding to distinguish both.
and it takes a lot of courage to cushion the real thing.

PANDESAL


Di ko alam kung bakit malungkot ang pandesal,
malamang naiisip niya na madalas mag isa lang siya,
malamang naiisip niya na hindi siya kabilang,
malamang naiisip niya kung bakit patuloy ko parin siyang pinagmamasdan at binibili,
kahit paminsan mapait siya at walang lasa.

Hindi siguro niya naisip na lahat tayoy mga pandesal,
mga pandesal na iba-iba lang ang luto at panlabas na anyo,
may mga pandesal na matigas sa labas pero sa loob ay mas malambot pa sa unan,
mayroon naman na sa labas ay mukhang maganda tignan, pero sa loob ay walang laman,
mayroon ding mga pandesal na sunog pero may mga taong mas trip ang mga tustadong tulad nito,
may mga pandesal na tamang tama lang ang timpla pero para sa iba kulang pa,
pero madalas may mga pandesal na mas mahal pa sa mga kapwa pandesal nila at mas dekalidad ang uri ng pagkakaluto nila,
ngunit di nila madadaig ang mga simpleng pandesal na pinaghirapang masahihin at lutuin sa pugon,
mas masarap at natural and lasa. . .



maraming klase,
iba iba ang luto,
pero pandesal parin sila kahit ano ang mangyari,
maraming itsura,
maraming pagkakaiba,
maraming personalidad,
maraming karakter,
pero tao parin sila kahit ano man ang sabihin nila.

~Sa Tren~

Naka sakay ako sa Tren at naka tayo, nang tumigil kami sa istasyon at...
...Nandoon siya...
sa kabilang tren habang may nakahadlang na salamin ang nasa pagitan namin. . .
Tinanong ang sarili. . .
totoo ba ito o namamalik mata lang ako???
Siya nga. . .
Yung babaeng hangang ngayon mahal ko parin.
Nakangiti at nakatawa sa kabilang salamin,
nandon parin ang kislap sa mga mata niya,
at ang mukha niyang dati ratiy nahahawakan ko pa. . .
Walang masabi at walang maisip na gawin. .
para akong tinamaan ng kung ano. . .
tumigil sandali ang panahon at bumilis ang kabog sa dibdib ko. . .
Lalong nanghina ang katawan kong pagod sa puyat at biyahe.
Kumaway.
Yun nalang ang magagawa ko. . .
At napansin niya ako,
kumaway din siya. . .
Sandali lang ang tagpong iyon pero buong araw kong iniisip iyon. . .
hangang sa pag uwi ko dala ko parin ang pakiramdam. . .
Sayang. . . kung pwede lang huminto ang tren buong araw,
kung pwede lang mabuhay sa sandaling iyon,
kung pwede lang tumigil ang oras sa mga sandaling iyon.
bakit hindi?
Magkaibang direksiyon ang aming pupuntahan pero sana sa iisang istasyon parin kami magkatagpuan.
Mga ganitong sitwasyon na di mo aakalaing darating,
mga sandaling gusto mong lumapit ngunit may mga bagay, situwasyon at pangyayari na nagiging hadlang.
wala kang magawa kung hindi tignan na lamang ang tao na habangbuhay mong inaasam.
minsan naiisip ko nalang,
iniisip parin kaya niya ako?
gusto parin kaya niya akong makita matapos ang lahat?
alam kaya niyang nasaktan ako?
alam parin kaya niya na mahal ko parin siya?
sana balang araw malaman ko ang mga sagot sa tanong ko.
. . .

Tuesday, February 26, 2008

???

...At some point. . . People will not get your point. . .

Monday, February 25, 2008

QUOTE FOR THE DAY

"There is no mistaking a real book when one meets it. It is like falling in love." ~Christopher Morley

On Books. . .

Pag Napapadaan sa Mall ng Mag-isa ako, hindi pupwedeng hindi ako dadaan sa bookstore para magbasa o maghanap ng magandang libro.

Paano ba ako maghanap at magbasa ng libro?

Step 1: Tignan ang Cover (dito papasok yung "dont judge the book by its cover" at totoo yun.)

Step 2: Tignan ang Nasa Likod, Basahin, pag na bored. . . ibabalik sa istante. Pag mukhang ok, babasa ng konting pahina.


Step 3: kapag ang nabasa ko ay nakakainspire o di kaya ay maganda ang punto, para akong kikilabutan na tila may kakalat sa buong katawan ko at mapapa hinga ng "medyo" malalim. doon ko malalaman na maganda ang libro at ito ay kailangan kong mabili.

Step 4: Umuwi ng bahay dahil walang pambili. Gawin nalang munang pangarap ang libro.

Step 5: Pag lumipas ang ilang buwan at anda ko parin ang Title ng libro at Interesado ako sa Author nito. alam ko na kailangang mapasaakin ang Libro at kailangan ko ito para sa sarili ko.

Step 6: Basahin maya't maya ang libro sa LRT, sa Jeep, sa Tricycle, sa mga klaseng BORING, at sa mga ORAS NA PAYAPA AT MAG ISA (banyo).

Step 7: Idisplay sa Istante ko sa kwarto.

Step 8: Magsulat tungkol sa libro at ibahagi ito.

Step 9: Tapos na ang Misyon ko.

Step 10: Isabuhay. Tenent!

Ang Yosi. . .

...
z

May nabasa akong article na ang pagyoyosi daw o ang pagcra-crave ng yosi ay isang sign ng
pag sstick natin sa instinct natin na mag tumb-suck noong bata pa tayo. . . yoon nga lang hindi na nga lang hinlalaki ang sinusupsop kundi ang sigarilyong umuusok. yeah im a smoker and we suck. siguro nga hindi pa talaga ako nag mamature. . . pre-mature parin ako. hahahah!

Why I like Freuds thingking. . .

Sigmund Freud

Sigmund Freud (1856-1939) gave explanations of the genesis of religion in his various writings. In Totem and Taboo, he applied the idea of the Oedipus complex (involving unresolved sexual feelings of, for example, a son toward his mother and hostility toward his father) and postulated its emergence in the primordial stage of human development.
In
Moses and Monotheism, Freud reconstructed biblical history in accordance with his general theory. His ideas were also developed in The Future of an Illusion. When Freud spoke of religion as an illusion, he maintained that it is a fantasy structure from which a man must be set free if he is to grow to maturity.
Freud views the idea of
God as being a version of the father image, and religious belief as at bottom infantile and neurotic. Authoritarian religion is dysfunctional and alienates man from himself.
HELL YEAH AMEN!
Pero I still stick into my beliefe that there is a God and There is No such thing as Religion.
Religion is an Illusion putting us in a state of confusion.

People Power Version 6.50b

Lozada, Broadband Deals, Flawed Deals, Corruption, Kickback, Anti-Gloria Rallies, Protests, Scandals. . . And so On and Sooooooooooooooooo forth. . .


Sa panahon ng mga instant noodles at Instant Water at Kung anu-ano pang INSTANT. . . Instant Sakit ng Ulo naman ang Naimbento. . . ng mga scientist? Pare hindi. . . ng mga Politiko. Akalain mo yun may naimbento sila? Haha. . . Buksan mo lang ang T.V. at ilipat sa Balita. . . Sabay lunok ng Advil.

Sa Totoo lang di ko alam talaga ang totoo. madalas pagusapan sa POLITICAL SCIENCE namin ang napapanahong issue tungkol kay LOZADA at sa kung anu-ano pang kalokohan ng gobyerno. masarap makinig sa propesor ko dahil medyo naiinis na siya sa mga kaklase kong nginingitian lang siya pag nagtatanong siya, eh dinadaan nalang niya sa kwento tungkol sa pulitika, which is not bad dahil related naman ang mga tinatalakay namin sa mga kwento niya.

Kanya-kanyang opinyon, Kanya kanyang point of view ika nga. . . wala tayong magagawa kanya-kanya tayo ng pag-iisip, kanya kanya tayo ng nakikita at mga experience. . .

Minsan naiisip ko. . . pano kung magkaron nanaman ng EDSA revolution(nanaman?) o di kaya Edsa Reloaded maka gawa na kaya ng libro ang mga magtataho at gma metro aid sa Edsa Shrine ng "How to Revolt For The Dummies?" . . .

Edsa nanaman? Wag naman. . .


Maraming alternatibo, Maraming paraan. . . pero wag naman tayong magtipon-tipon nanaman sa Edsa Shrine at magpatalsik ng kung sino-sino. . . Magisip muna sana lahat tayo. . .

Kung pupunta ako sa EDSA Shrine ano ang ipaglalaban ko? Katotohanan? Ano Ba ang Totoo? Ang Sinabi niya o ang sinabi niya? Pano ko masasabing totoo ang sinabi niya? Pano? Ano ba ang paniniwalaan ko? Ano ba ang alam ko? Porket ba mas sikat si ganito sakaniya ako maniniwala?


Maraming tanong ka munang dapat sagutin bago ka magdala ng sampaguita at rosaryo at magluluhod sa EDSA at magiiyak na parang gago.

Alam mo ba ang Pulitika? Alam mo ba kung saan napupunta ang pera at tax na binabayad mo?
Lumalaban ka para saan? Ano ang gagawin mo pagkatapos mong matalo ang nilabanan mo? Boboto nanaman ng isang Opisyal na iaakyat niyo sa Pwestot Pababagsakin din uli pag di nasiyahan?
Eto ang malupit na tanong.
Anong Epekto mo?
May Epekto kaba?
Ano ang kaya mong gawin para sa pagbabago?
Magsisigaw sa sulok ng EDSA pagkatapos Maguunahan at Magsisingitan para sa mga pagkaing ipinamimigay?
LOL.
Sa mga simpleng Disiplina tayo pumapalya,
malamang sa mga maliliit na pagsuway nato bumubunga ang mga Buwaya ng Bansa.
THINK OUTSIDE THE BOX.
KUNG IKAW ANG PRESIDENTE NG PILIPINAS AT WALANG GINAWA ANG MGA NASA POSISYON DIN KUNDI GUMAWA AT MAGHANAP NG KALOKOHAN AT KATIWALIAN NA ILALAPAT SA PANGALAN MO'T ARAW-ARAW KANG ITUTURO AT DUDURUIN SA MGA KALOKOHANG IBA NAMAN ANG MAY PAKANA PERO SA IYO ISINISISI DAHIL GUSTO LANG NILA NG PWESTO MO. . .
at
BAKIT KAILANGAN PANG MAGKAROON NG PWESTO PARA KUMILOS PARA SA PAGBABAGO?
Tangina.
Buti pa mga langgam organisado.
(Edsa Revolution Version6.51 Beta Comming soon. . .)

Sunday, February 24, 2008

TSK TSK . . .

...
"...Field Trip sa May Pagawaan ng Lapis ay Katulad ng Buhay natib, Isang Mahabang Pila, Mabagal at Walang Katuturan..." ~ E-heads
Linggo. Kailangang Gumising ng Alas Kwatro para Makaabot sa Marathon na magsisimula ng Alas Singko. Nagising ako ng Alas Kwatro Y Medya ng Madaling araw. Tumungo sa Banyo't nagmadaling maligo. Nakarating ako sa Quirino Grandstand kung Saan gaganapin ang marathon. Nakarating ako ng halos alas Sais. . . late. . . NAgsimula na pala ang marathon isang oras na ang nakakalipas, Kayat tumakbo (lumakad) ako pakontra sa mga tumatakbo patungo sa finish line upang mag hanap ng mga kakilala at may makasabay. at nakita ko ang ilan kong kaklase. Tinakbo nalamang ang natitirang distansya patungo sa Last Checkpoint upang kumuha nalamang ng Marathon T-Shirt. Pumila ako sa Pilahan ngunit, may di kanais-nais na amoy akong naamoy sa harap ko, kayat nagsimula uli akong pumila malayo-layo sa alingasaw ng pawis ng bakunawang nasaharap ko. nakapila naman ako ng maayos kasabay ang ilan kong kaklase sa aking likuran. Mahaba ang Pila, pero ok lang basta maayos. ngunit unti unting lumaki ang pagitan dahil sa mga "SINGIT" na Estudyante. . . nagsimulang kumulo ang dugo ko. Nagkaroon ng Maraming tao sa Unahan ng Pila. . . Badtrip. . . para akong nakakita ng Stock Market na nalugi at mini Edsa Revolution. . . Lintik. . . Sabi ko na nga ba mangyayari ang ganito. . . Tsk. . . Kami yung mga nakaayos na nakapila pero kami pa yung na perwisyo. . . Inis. . .Nanatili kaming nakatiwangwang sa pwesto namin, nayayamot at nagkakamot. . .Bwisit. . . Di na nahiya. . . letse. . . Hangang dito ba naman.
Disiplina. . . Wala. . .
Nakakahiya. . .
Galing pa naman tayo sa Unibersidad pero walang disiplina ang karamihan.

Walang kwenta. nasayang lang ang pagpila ko ng maayos. Sayang ang 150Php na binayad ko, na sana man lang may nakuha akong souveneir sa pagpunta ko dito sa Luneta. Umalis nalang ako't
nagpasyang wag nalang kunin ang Pinapamigay na T-shirt. . .
Bakit kailangan pa magsingitan at mag unahan kung lahat naman makakakuha at mabibigyan? Bakit kailangan pang maging magul kung pwede naman maging maayos?
Hayyy. . .
Di bale nalang. . . Dibale nalang na wala akong T-Shirt, Atleast Di naman ako nawalan ng Disiplina.
Mas Mabuti ng Wala kaysa Mayroon ka naman, pero para kang patay gutom na gusto pang magkaroon.
. . .