Wednesday, December 31, 2008

CREDO ~2008~

Taong Dalawan libot walo ~

Eto ang aking credo. . .

Nagsimula ang taon na ito tulad ng ibang taon. kay bilis dumating pero di mo namamalayang matatapos na pala kinabukasan,
nag simula sa 1 natapos sa 31. . . parang pasukan na kay bilis at di mo
mapapansin malapit nanaman ang bakasyon. . . nagbago ang numero pero kahit kailan di nagkakapareho ang kwento.

Pinaka mahalagang natutunan ko sa taon na ito na ako ay nahahati ako sa 3 pagkatao. . .


~Ako na akala ko ay ako ~
~Ako na Ibang ako (na ayaw ko) ~
~At ako na ako ~

Marahil lahat siguro ng tao nahahati sa tatlo,
Para bang Past,Present at Perfect Present

Naalala ko noong bagong taon na noong 2007~2008

Nakahiga ako sa kutson ko at lumuluha,
OO, lumuluha ako noon dahil dun ko naramdaman ang sapak ng buhay sa akin. . . marami akong nagawang kasalanan. . . sa ibang tao, sa magulang ko at sa sarili ko. . .

Kung ano man yon di ko na sasabihin ang detalye. . . Alam na ni bossing yun.

Maraming nawala, ngunit marami rin ang dumagdag at dumating,

Kaibigan, Gamit at Pag-ibig. . .

Siguro dun lang naman talaga umiikot ang buhay ng tao sa tatlong iyon. . .
Pero sa tatlong iyon nag uugat ang mas marami pang bagay. . .
Kung susumahin siguro ang buhay ng tao, dito pa rin sa tatlong nabangit ang kakalabasan. . .

Pero pinaka matimbang siguro yung huli, kasi dun talaga nag uugat ang lahat. . .

Ganoon lng siguro ang buhay, Para talagang gulong, Minsan nasa taas, minsan naman flat. . .

Pero Serseryosohin ko ang mga sasabihin ko. . .

Kaibigan. . .

Yan ang wag na wag kang mawawalan,
Konti pa ang isang daang kaibigan pero marami na ang isang kaaway, ika nga. . .

Kaibigan, sa taong ito natutunan ko kung papaano magpahalaga sa kaibigan, natutunan ko ring i categorize ang mga kaibigan sa mga kakilala lang. . .

akala ko kasi dati na pag kakilala mo na eh ibig sabihin kaibigan mo na. . .

Iba pala iyon, ibang iba ang friends sa acquaintances. . .

para sa akin may tatlong klase ng kaibigan


~ Totoong Tunay na Kaibigan

~ Close Friends

~ Kaibigan/Katambay/Kausap

Di ko na kailangan pa ipaliwanag ang pinagkaiba ng isa sa iba. . . self-explanatory na to kumbaga. ang masasabi ko lang iingatan mo yung naunang dalawa kasi yun naman talaga ang importante, yung pangatlo depende na sa iyo. . .

Sa larangan naman ng Edukasyon, Di pala magandang ideya ang hindi mag review (hehe) kailangan din pala ito kahit, saglit lng, ugaliing mag review habang maaga, ugaliing ding gawin ang mga report bago ang deadline, para di na mag Cram at mas maraming free time na matira, kasi mas time consuming pag cramming. . .

Sa larangan naman ng pag ibig,

Walang masama na magkagusto sa isa, ang masama lang eh yung masaktan ka na wala ka namang karapatang masaktan, mag-hinanakit ka ng wala namang ginagawa ang tao sa iyo ...

at una sa lahat, MAG-TANONG if necessary. . . magtanong ng mahahalagang impormasyon, mga tanong tulad ng . . . (May Boyfriend/Girlfriend ka ba ngayon? Pwede ba akong manligaw? Kumain kana? Gutom ka ba? Pagod ka na? Ok lang ba? Ok ka lang ba? atbp.) mga tipong ganun. . . Kasi pag di mo natanong ang mga bagay na yun. . . may malalang consequence na pwedeng mangyari at ikaw din ang kawawa. . .

Sabi ko nga sa kaibigan kong bonsai

"Ok na yung mag mahal ako kahit di niya ako mahalin pabalik" sabi naman niya "masyadong over rated yung ganong principle"

Tama nga naman in a way. . .

Tao tayo kahit papaano may gusto rin tayong maramdaman kahit maliit na pagtingin. . . kahit ga-atom pa ang liit nyan. . .

Sa taong ding ito Marami din akong nadiskubreng talento. . .

Talent ko pala umubos ng lagpas sampung kape sa isang araw (10+ kapag may lamay)
Pwede pala akong maging baseball pitcher (hmmm. . .)
Kaya ko palang matuto sa simpleng pag tingin lng. . . ( Hmmmm x2)
Kaya ko pala mag hintay ng 12 oras para lang sa isang taong mahalaga sa akin ( abahhhhh. . .)
Kaya ko rin pala magparaya (. . .)
Kaya ko parin pala mag mahal (ayun emosyonalistics pwede na sa olympics)

At marami din akong nadiskubre sa sarili ko. . .

Kaya ko pala magpatawad ng sobra. . .
Kaya kong makita ang kabutihan ng tao kahit napaka tarantado niya. . .
Kaya kong baguhin ang mood setting ng isang lugar (depende kung gusto ko)
Kaya kong gumawa ng paraan para mapalapit sa isang taong mahirap lapitan. . .
Kaya kong magpasaya. . .
Kaya ko rin magpaiyak (kahit di ko alam na kaya ko)

Atbp. . .

Anu pa ba. . .

Nautunan ko na napakahalaga ng malinis na tubig sa isang bahay,
. . . na mas marami kang malalaman sa ibang tao kesa sa sarili mo lang
. . . na walang kwenta ang malamig na kape (tadhana ng kape na maging mainit)
. . . na pumili ng quality over appearance, quantity and the facade of things
. . . na lahat nagagawan ng paraan para maging positibo
. . . na ang lahat ng bagay ay may hanganan, kahit ang pagkakaibigan. . .
. . . na mas madaling pakisamahan ang mga taong hindi nag tatakong
. . . na maraming kaaway ang buhok ko
. . . na hindi lahat ng nababasa mo ay dapat mong paniwalaan
. . .na hindi porket galing sa internet ay totoo.
. . .na masama maglakad sa glorieta kung tatanga-tanga ka at masasapul ang (yahoo) mo sa railing sa gitna ng daan. . .
. . .na masarap mahalin ang bespren mong babae
. . .na magregalo ng mga bagay na gawa mo
. . .na gumawa ng tsokolate
. . .na wag mahiya hangat wala kang masamang ginagawa
. . .na walang kasing sarap ang balikan ang mga lugar ng iyong pagkabata
. . .masaya sa karnabal
. . .kailangan laging may suot na salawal
. . .intindihin muna ang sitwasyon bago umepal


marami pa akong na diskubre sa sarili ko. . . ganoon pala pag lumilipas ang taon at panahon, nadadagdagan at nababawasan, pero di tayo nawawalan ng matututunan. . . di mo pwedeng sabihing ganap ka na sa kasalukuyan. . . siguro masasabi mo lang na ganap ka na , kung may naiwan kang bakas sa mundo, yung tipong di basta basta kukupas at makakalimutan, yung tipong nakagawa ka ng isang malaking epekto na makakagawa pa ng iba pang malaking epekto. . . kapag nakapagsindi ka na ng apoy na maglilihab kahit wala ka na. . .habang lumulutang ka papalayo sa katawan mo at nagawa mo na ang mga ito. . . saka mo lang masasabing naging ganap kang tao.

Taong ika dalawang libo't siyam. . .

Isa nanamang pahina sa buhay ko. . .
Pag-iisipan kong mabuti at iingatan ko ang pag gamit ng tinta, lapis at pambura sa buhay ko. . .

Pero kahit kailan di mawawala ang kreyons ko. . .

+ Strive to be happy +