Saturday, January 17, 2009

Sa Anghel

ANGHEL...
Minsan kang nahulog sa lupang iyong nilimot,
Naghanap ng mortal upang puso mo'y makaramdam,
Natagpuan mo ang saya sa kamay ng isang taga lupa,
Naramdaman ang sarap ng buhay ng walang kamalay malay na. . .

LUHA...

ang iyong matatagpuan,
Sa mundong iyong nilisan,
Sa kamay nya, puso mo'y nadurog. . .
Tumagos sa iyo ang sibat ng kamunduhan. . .

LUNGKOT...

Ang iyong nadama pagkatapos mong mapinsala,
Di mo matangap at di ka parin makapaniwala,
hindi mo naisip na maari ka paring masaktan,
Naramdaman mo rin ang pasanin ng mga mortal. . .

AKO...

Na minsa'y napadaan at nakakita sa iyo,
nagtataka kung anong lungkot ang bumabalot sa ngiti mo. . .
Nilapitan ka't nag tanong, "may kapangyarihan ka bang baguhin ang nararamdaman mo? "
Pinaghalung lungkot at ngiti ang sagot mo...

IKAW ...

Na minsay inisip na krus ang iyong pinapasan,
Na nabigyan ng biyaya, ngunit ikay nagbulag-bulagan,
Ang bunga ng iyong kasalanan, ay siya ring bunga ng iyong pagka-salba,
kung iisipin mo may paraan siya...

PAK-PAK...

Ganito mo siya ituring,
Ganito mo siya tignan,
Ganito mo siya alagaan,
at pag nagawa mo ang mga ito'y wala ka nang hihilingin pang kapalit...
ituring ang mga problema na mga balahibong nawala, pag nalagpasan mo't nabuo ay ililipad ka nila. . .

BUMUBULONG...

ang iyong pak-pak,
na parang sangol na nawawala sa ulap,
"Mommy mahal kita. . ."
Sana yan ang palagi mong maalala

SA ILOG ...

Tayo nagtagpo,
At sa ilog din naramdaman ang unang tibok ng sugatan nating mga puso,
Sa ilog mo rin sana matagpuan ang nagkalat na puting balahibo,
Sana'y habang unti-unti mo itong pinupulot,
ipaanod mo na rin sa agos ang iyong puot

DEMONYO...

ang itawag mo sakin,
Kahit alam kong mabibigo ako,
kaya ko paring maging magpakabuti para sa iyo,
Magugulat nalang siguro ang bathala, Tatanga nalang sya't di-makapaniwala
Na minsan gumabay ang tulad ko...
sa Anghel na tulad mo...

Thursday, January 15, 2009

TIMING

TRY MONG BAGALAN NG ISANG BESES ANG HAKBANG MO. . .

Mababago na kagad ang kapalaran mo. . .

Lahat kunektado. . .


Ultimo pag-lingon, ultimo pag-tanga. . .


Pati pag hakbang at phase ng paglakad natin,

Timing nga naman. . .

Ang sama tumiming. . .

Bat ba kasi naimbento ang orasan,
naging busy na tuloy ang tao simula non. . .
natuto na tuloy mag bilang ang tao kung hangang kailan niya papahalagahan ang isang bagay. . .
natuto tuloy ang tao na mag puyat. . .
. . . gumimik
. . .mag-nakaw
. . .tumakas
. . .gumanon
. . .gumanyan
. . .magyabang


daming nagagawa ng oras. . .

kaya di ako nagsusuot ng orasan eh. . .

kasi parang nakakalimita ng sarili. . .

mag rerelos lng ako pag mickey mouse na classic ang relo ko. . .

Let there be light. . .

Dati Coke lng. . .

Ngayon may coke light. . .

Dati C2 lang. . .

Ngayon C2 light. . .

Dati Kape lng. . .

Ngayon Decaffeneited coffee. . .

Dati San miguel beer lang. . .

Ngayon San mig lights. . .

Dati Marlboro lng. . .

Ngayon Marlboro lights na. . . (hahahahah! ano yun? para healty?)

Ano kaya susunod?

tsk. . .tsk. . .tsk. . .

sabi nga. . . necessity is the mother of invention

eh ano ang kaartehan?

malamang eto yung naiimbento ng mga imbentor pag wala silang maisip na maimbento. . . (hmmmm)

Sabi nga ni master "kung di lang tamad ang mga scientist malamang nakatira na tayo sa Jupiter"

hayyy. . .

Ang daming talagang arte ng tao. . .

Ang dami tuloy ka-artehang naiimbento. . .

Ngayon May coke zero. . .

Ano kaya susunod?

Dark black na crayon?
Light white na damit?
Dirty dirt na basura?
Skinny na elephant jeans?
Kapeng nakakaantok?
Yosing nakakahaba ng buhay?
Teroristang Humanitarian?
Kalbong longback?
Presidenteng di corrupt?

Eh kung ganun WTF!

RULER

Siguro nga wala akong karapatan na tawagin ang sarili ko na writer,
siguro nga wala akong grado na kasing taas ng mga nakuha mo noong hayskul pa tayo,

OO alam ko naging presidente ka noong highschool tayo,
OO alam ko naging isa kang estudyante sa pilot section,
At madalas kang sumagot sa mga tanong ng guro,
alam ko kung papaano mo minaliit ang opinyon ng mga kaklase mong normal,
normal dahil di sila tulad mo. . .

Sa trono ng illusyon mo.
Doon ka nakaupo,
sa mga sulatin mong nababasa lng ng mga katulad mo,
oo iskolar ka nga ng bayan at nagaaral sa statwang nakahubo,
masyado kang pormal. . . masyado kang praktikal. . .
Masyado kang perpekto,
pero iyon ang inaakala mo. . .

Di ko alam kung naging masaya ang buhay mo noong hayskul,
sobrang bait mo, mas maputi ka pa sa puto
pero sing asim mo ang saw-sawan kong suka, di ka natural
isa kang kemikal. . .

Sana naranasan mo ring mapapunta sa principal dahil sa mga katarantaduhang nagawa mo,
Sana naranasan mo ring mag cutting classes tulad ng madalas gawin naming mga tao,
Sana naranasan mong maging bartikal sa larangan ng pagka siraulo,
Sana naranasan mong maging Top 2 sa huli ng section mo,
Sana pinagsulat ka rin ng mga dahilan para maka graduate ng highschool,
Sana pinag linis ka rin sa community service dahil sa katarantaduhang nagawa mo,
Sana na pingot ka din ng teacher mo dahil sa tigas ng ulo mo,
Sana, sana, sana? Teka bat ko ba hinihiling to sayo?

Siguro masyado lang akong nalinisan sa iyo,
Siguro dahil sa isinulat mong walang kabuluhang artikulo,
Na masyado kaming assuming para tawagin ang sarili namin na manunulat?
Ano tingin mo sayo? kasi para sakin isa kang itlog na maalat. . .

Masarap ka lang sa una, pero nakakasuya,
Masyado kang sagrado nilagay mo ang sarili mo sa trono,
Di ko nga alam kung masyado ka lang matalino para makapasok dyan sa eskwelahan mo,
O masyado ka lang hangal para ipag malaki ang estado mo. . .

Sana naging masaya ka sa pagkakakuha ng diploma mo,
sa ngayon ano kayang ginagawa mo?
subukan mong gumawa ng artikulo sa dyaryo,
asahan mo . . .

gagawin kitang pambalot sa tinapa ko...

Tuesday, January 13, 2009

ANG ARAW NA IBINENTA KITA

Langit nga kung tutuusin,
Pero sandali lang at nawala na agad ang aking panalangin,

Sa langit nag mula,
sa langit din nag punta,

Ang huling sigarilyo ko'y sumakabilang buhay na.

Tuloy ang pamimilipit,
Tuloy parin ang pagpupumilit,
Wala nang baterya ang telepono,
Umiikot na sa gutom ang paningin ko,
Tapos na ang rally sa aking tyan,
ngayon gyera naman. . .


Kundi ka ba naman bobo,
ubusin mo sa kaka dota ang pera mo,
ayan ang napala mo,
tignan mo ngayon, mukha kang gago. . .


Malapit ng sumilip ang hari,
ilang mag babalot na ang dumaan,
ilang mag tataho na ang lumisan,
bakit kapa nandyan?

Eto na ang huling pagsubok,
wala na akong magagawa kundi ibenta ka,
kahit papaano minahal kita,
ikaw pa naman ang nakasama ko noong nilalamig ako sa amerika,

hangang dito nalang ang ating pagsasama,
kung may pakiramdam ka lang malamang umiiyak ka na,
pero kailangan kong makahanap ng pang lunas,
sa katangahang aking dinaranas. . .

Monday, January 12, 2009

ANG ARAW NA NAMULOT AKO

Halos sampung oras kong hinintay ang aking sinta,
naglakad pa mula morayta,
Nilakad ang magkabilang hanganan,
hangang sa mapad-pad sa dapitan,

nagastos ko na ang lahat ng pera,
lalamunay ko'y natutuyot na,
sikmurang parang nag rarally na sa morayta.
Ubos na ang yosi, ubos na rin ang ng gasolina. . .

Tumatakbo parin ang makina sa king' dibdib,
dalawa lang ang tunog. . .

KAB-
OG
KAB-
OG

Pumipintig kahit wala nang baterya,
ang utak koy nasa ulap na. . .

Di ko malilimutan ang araw na iyon,
para akong nasa malamig na disyerto ng sampung taon
Kahit umiyak na ako ng dugo,
at daanan ng magtataho,

walang pera, walang tulog,walang kain, wala. . .
malapit nang dumungaw ang araw. . .
umupo sa tabi ng bangketa. . .

may lalaking nagtapon ng yosing marami pang tira. . .


Ang araw na namulot ako ng yosing pinitik. . .

nakatikim din ako ng langit. . .

kahit limang hit-hit. . .