Tuesday, February 10, 2009

TAO AT YOSI

Ang tao parang yosi,
Pag walang sindi,
pare-pareho,
mukhang malinis at walang masamang epekto,
simulan mong silaban at mag-sisimula ang usok,
sa iba masama sa iba naman masarap,
sa iba'y ma-sang sang,
sa iba nama'y halimuyak,
pero pagbali-baliktarin mo man ang yosi puti paring usok ang lulutang,
pareho parin ang abo,
magkakaiba lang ng balot at disenyo,
pero lahat puti ang usok,
lahat iisa ang direksyon na pupuntahan,

doon. . .


MANsaNAS

Nasan ka na kaya?
Palagay ko nasa bar ka nanaman,
tinitipa at kinakalabit ang iyong baho,
siguro marami ka na ngang pinagbago,
dati rati lang isinasama kita sa aming tugtugan,

duon sa muzon,
may studio doon,
dinadayo pa natin iyon,
para bang mindanao hangang luzon.

pero nasaan kana kaya ngayon?
gusto mo ba ang pinasukan mo?
balita ko lumaki na raw ang ulo mo,
simbigat ng amplifier ng baho mo.

sana nama'y di totoo,
ang mga kuro-kuro,
sana kapag ikay nakasalubong sa daan,
mamansin ka kahit tango lang,
minsan tayo'y naging malapit na magkaibigan. . .

pero ganoon talaga ang panahon,
patuloy parin sa pagtakbo,
mga landas nati'y magkaiba ang tungo,
ngunit sa iisang entablado parin tayo tug-tugtog at magtatagpo.

Sana walang lason ang mansanas mong kinagat,
Sana wag sa masamang landas ang iyong hantungan,
Sana masaya ka sa pangyayari sa paligid mo,
Sana maging totoo ka sa iyong musika. . .

DEFINE MUSIC:

There are many definitions of Music but for me, Music is the simplicity of the complexities in everyone's life. . . parang love lang hehe so parang music is love narin in a way.(>_<)

Sunday, February 8, 2009

BANAT NI ERMATS episode 1

OPINION NG ERMATS KO sa MGA BUHOK NG KABATAAN NGAYON:





". . .Tignan mo parang boypren ng bakla. . ."





BWAHAHAHhahaHAHA!