Friday, February 8, 2008

Quote of the day

"The very purpose of existence is to reconcile the glowing opinion we have of ourselves with the appalling things that other people think about us." ~ Quentin Crisp

TRUE

...
"There are things far worse than physical death"
...

Thursday, February 7, 2008

† Time out muna ako. . . †

...
Pagod na ako sa puyat . . . ayokong magpiga ng wala...
pansamantala ko munang iiwan ang papel na to.
kailangan ng bagong chapter. . .

QUOTE FOR THE DAY

"Enjoy your own life without comparing it with that of another." ~Marquis de Condorcet

TORONTO

Dito ako napupunta pag di ko na alam ang ginagawa ko. . .

Di malaman kung tuliro, pagod, balisa, puyat, hyper, ewan. . .

IMBALANCE nanaman ako. . . kelangan magpatimbang.

Wednesday, February 6, 2008

Para sa mga tinapay. . .

Keep Your Weakness To your Self. . . Share Your Strength With others. . .

HONEST LIES

Paminsan nagsisinungaling tayo sa mga sarili natin,

Mga tipong naniniwala ka na maayos ka. . . pero sa loob-loob mo may parang unos na bumubulabog sayo. Mayroong dumadagundong na kaba sa dibdib mo, takot na naghihintay na makawala, pero nakakulong sa illusyon ng mga paniniwala mo.

Mga di mo makontrol na desisyon, mga personal mong pangako na di mo matupad para sa sarili mo. . . pinaniniwalaan mong matutupad mo ang mga binitawang salita sa sarili mo, pero sa huli maiinis ka lang dahil niloko mo lang ang sarili mo, pinaasa, at isinugal ang sarili mong mga bukambibig. . .
mahihiya ka sa sarili mo dahil natalo ka ng sarili mo. . . malabong aninong patuloy na susunod sa bawat hakbang mo sa liwanag, mga boses na patuloy na bubulabog sa konsensya mo,

PERO

naniniwala ka ba na totoo ka sa sarili mo o nagpapaka totoo lang ang sarili mo dahil ayaw niyang lokohin ang sarili niya. . . sino ba ang sarili mo?

Ikaw ba ang parte ng katawan mo na humuhulma sa buong pagkatao mo o ang pagkatao mo na humuhulma sa buong parte ng katawan mo?

Titingin ka sa salamin . . . patung-patong na eye-bags at sapin-sapin na pagod ang babakas sa mukha mo. . . sabay tatanungin mo ang sarili mo. . .
Ano ba talaga ang gusto mo?


QUOTE FOR THE DAY

"If you would be a real seeker after truth, it is necessary that at least once in your life you doubt, as far as possible, all things." ~Rene Descartes

Counter-Action

Pang BOBO lang na course yan. . .(haha)

Di ko alam kung maririndi ako sa narinig ko o matutuwa (sarcastic)

Narinig ko to noong papaakyat kami sa pinakatuktok ng dati kong skwelahan, Nursing student sya, nakaputi at graduating na. . . Isa siyang kaibigan. . . tinanong niya ang kurso ko.

I proudly said. . . EDUCATION pareh . . . And his reply was kinda frustrating. . .

He's lucky I have a mastered the art of self-control.

BOBO? . . . Hmmmmm . . .

Bobo ang education? Pang BOBO ba ang EDUCATION? . . .

Mag isip ka nga. . .

Nursing ka??? Pumasa ka??? Wow. . . galeng. . .

Pumasa ka ba talaga??? tanda mo pa na yung mga panahong magkaklase tayo at ikaw ang pasimuno ng KODIGO na ginawa mo pa sa MS WORD at yung pinaka maliit na font pa ang ginamit mo para lang magkasya lahat ng DAPAT mong I-REVIEW?

Bobo pala ang EDUCATION na COURSE. . .

Tinanong kita kung gusto mo ba talaga mag nursing. . .

nasa pagitan ng SYEMPRE MALAKI ANG SWELDO at MGA SAGOT NA TALIWAS NAMAN SA TANONG KO ang ISINAGOT MO.

BOBO ANG MAG EDUCATION???

KAYA PALA GALING KA SA ISANG KILALANG ISKWELAHAN SA ATIN, NAG HIGHSCHOOL KA DOON SA MAMAHALING ISKWELANG YUN PARA ano???

PARA GUMAWA NG KODIGO. . .

Tawa nalang ako pare. . .

Syempre papayag ba akong sagutin ako ng ganoon?

PANG BOBO LANG YUNG EDUC. COURSE NG MGA BUMAGSAK SA UNANG COURSE . . .
yan ang sabi niya. . .

KUNG WALANG TEACHER NASAAN KA NGAYON? KUNG WALANG TEACHER NAG AARAL KABA NGAYON? OO NURSE KA MALAKI ANG SWELDO... OO MANGAGAMOT KA NG TAO/PASYENTE PERO PAGKATAPOS NUN MAKAKALIMUTAN KA RIN. . .NURSE KA NGA PERO HANGANG DUN KA NALANG. AKO BALANG ARAW MAGTUTURO NG KABATAAN. . . BALANG ARAW MAY MAIBIBIGAY AKO SA KANILA NA HABAMBUHAY NILANG MAGAGAMIT. . . DI NGA NILA MATATANDAAN KUNG ANO MAN ANG PANGALAN KO PERO SIGURADO AKO. . . MAY NAGAWA AKO PARA MABAGO ANG TAKBO AT IKOT NG MUNDO.

Yan naman ang sinabi ko sa kanya. . .

Sagot niya. . .

(silent mode) . . . ngiti nalang sya.

Owned.

Madaming tao/estudyante na kumukuha ng course dahil. . . in,napapanahon,malaki ang sahod pag nakapag trabaho, astig tignan. . . pero tanong ko gusto niyo ba talaga talaga ang ginagawa niyo? o apat na taon niyong gagaguhin ang sarili ninyo?

Tuesday, February 5, 2008

Makinig ka nalang. . .

Ang pianaka masaklap na gagawin ng isang karaniwang ESTUDYANTE ay ang mag REVIEW.

Yan ang isa sa mga pinaka ayaw kong gawin. . .

Bakit?

Una sa lahat

1) Boring

Pangalawa

2) Time-Consuming

at Finaly. . .

3) Halatang di ka nakinig (hahaha!)


di ko gawain ang mag review dahil mas marami pang mas kapaki pakinabang gawin kesa mag review. . .

Mas maiinis ka lang kung review ka ng review tapos babagsak ka rin pala sa test mo. . .

. . .

Minsan nga papasok ako ng Klase, ni hindi ko alam na test pala namin. sakin ok lang. . .
nakikinig naman ako. bahala na utak ko. . . kung may nasagap man ako sa mga napakngan ko
o wala kasalanan ko na yun. . .

mas masarap makinig ng mabuti kesa mag-review ng mga napakingan mo na...

ang kailangan mo lang naman reviewhin sa buong buhay mo eh ang pagkatao mo at ang mga dati mong mga pagkakamali na ginawa. . .

pero sa pag aaral di mo kailangan mag review dahil kusang gagana ang utak mo kung nakatuon ang pansin mo para matuto.

nakakatamad gumawa ng reviewer, mas mabuti pang sa bawat pag uwi mo galing eskwelahan eh itanong mo sa sarili mo. . .

"Ano-ano ang natutunan ko ngayon? Dumal-dal lang ba ako? Nag-papansin lang ba ako sa classroom? tumingin lang ba ako sa babae/lalake? Nakinig ba talaga ako? may naunawaan ba ako sa tinuro sa akin? tama ba ang turo ng prof. ko? Pano ko I aaply sa totoong buhay ang natutunan ko?"
mas mabuti nang magkaroon ka ng self - evaluation kesa mag memorize ka ng libo-libong terminolohiya at mga salitang wala ka namang mapapala. . .
ENUMERATION
yan ang pinaka ayaw kong type ng exam. . .
Bakit? Kabobohan ang gumawa ng enumeration. . .
MULTIPLE CHOICE
Ok lang at least may choices . . . Common sense nalang.
ESSAY
ang pinaka paborito kong type ng EXAM dahil dito nasusukat ang totoong kaalaman mo.
WORD ANALOGY
eto ang sumusubok ng logic ng isang tao. lalo na sa mga hindi nag review (tulad ko hehe.)
~
at eto. . . isa sa mga natutunan kong kasaklapan ng exam. . . wala kang laban kung hindi mo naunawaan ang metaphysical-psychoanalytic-holy-super-duper-mega-hyper na katagang.
"FOLLOW THE INSTRUCTIONS"
(na dale nako dito. . . ilang beses na ~_~)


QUOTE FOR THE DAY

"Imagination is the beginning of creation. You imagine what you desire, you will what you imagine and at last you create what you will." ~ George Bernard Shaw

Wishful thingking . . .

Sana magkaron ng bagyo. . .

Sana magkaroon ng ulan. . .

Nakakrelax kasi pag may nakikita akong dumadaloy na tubig. . .

sana malinis uli ang paligid pansamantala. . .

dumi na eh. . .

ano nga ba ang kagandahan ng bagyo?

Sa karaniwang tao. . . bwisit ang mga bagyo, hassle. . .

Pero syempre mayroon din itong magandang epekto sa paligid. . .

Malakas na hanging iihip ng polluted na hangin, at walang humpay na ulang mag babanlaw sa lansangan. . .

Temporary lang naman. . . pero maganda na yun kesa di naliligo ang mundo.

Tired. . .

. . .

I'm tired . . .

Stressed sa biyahe . . .

Stressed sa puyat . . .

Stressed sa mga certain situations . . .

Hinto muna ako sa usok ng yosi . . .

Alagaan ko uli sarili ko pansamantala . . .

kailangang ibalik ang dating boses . . .

. . .

hay. . . na mimiss ko na ang ilog. . .

makatambay nga dun. . .

Monday, February 4, 2008

QUOTE FOR THE DAY

"To be conscious that you are ignorant is a great step to knowledge." ~Benjamin Disraeli

Questions 1.2


Yung mga bulag simula nang ipanganak. ..

Nanaginip kaya sila?

Ano kayang nakikita nila?

Ano kayang napapanaginipan nila?

May mapapanaginipan ba sila?

Hayy. . . nakakapag pabagabag...

Sunday, February 3, 2008

VN CONVICTION 1:2

...
LIFE IS LIKE A COIN...
YOU ARE FREE TO FLIP IT,
AND SEE IT, BOTH SIDES.

PUYAT nanaman

Sa tiendesitas. . .

Naghanap ng kape. . .

Nakahanap at akoy pinapili . . .

Sir anong gusto niyo strong, mild o light?

Mild ang sabi ko. . .

Sir 5 minuites ok lang? di pa po kasi mainit eh.

*wag mong ubusin ang pasensya ko. . .

Strong nalang ang sinabi ko. . .

Buhos sa tasa,

sabay direstong umupo sa harap ng mga nagtugtugang banda. . .

higop dito, gumuhit ang katapangan

hit-hit diyan, puting usok sa aking harapan

ubos na ang kape,

pagod na ang baga,

tapos na ang tug-tugan,

kailangan nang umuwi. . .

alas dos y medya na ng madaling araw. . .

hindi parin makatulog. . .

Sino ba ang sisisihin ko?

ang kape o ako?

THE 102

This would be my 102nd post. . .
and counting. . .

Horor scope

Taurus (Apr 20 - May 20)

The Bottom Line:
Today it will be easy to gain a deep understanding of the problems plaguing you.

In Detail:
Today it will be easy for you to gain a deep understanding of the problems that have been plaguing you, if you have the courage to ask a few sensitive questions. Try to cut to the chase. Don't beat around the bush when asking what you want to know -- you could test someone's patience. If you get right to the point, you'll save everyone time. Your organizational skills are going to be way better than ever, so use them to help you figure out your game plan.

RECYCLING

hmmm. . .
Gawan ko kaya ng ibang tono ang kanta ng mga artist na hindi masyadong naging hit. . .
Hmmmm. . . .

IF

...

Kailan ka lalaya?
Nakakulong ka parin sa selda ng dibdib ko.
Kailan ka lalaya?
Sa mga matang naka posas sa pagtitig sa iyo.
Kailan kita makikita?
Kailan kita makikilala?
Ayoko sana ng mga salitang
"KUNG"
pero dinadaga talaga ang dibdib ko pag nagkakasalubong na tayo.

Roaming

SUNDAY

Nothing to do. . .

I woke up at about past 12 in the evening, played dota on an empty stomach,
nothing to do, I was planning to go to church and see some friends after. . . but I'm INDOLENT.

so I stayed home just playing PC and killing time. Suddenly, my mom invited me to go somewhere, Tiendesitas to be specific.
The whole family went there, with me of course, co'z I haven't been out with my family these past few months.

At Tiendesitas, we roamed around and buy stuffs. My mom gave asked me if I wanted to buy something, and I can't think of any answers but a blank ___ . She gave me 500Php without any hesitation, and I was touched, coz I was just asking her to give me enough money to buy "Fishballs."

The night was fun. . . We ate at MAX'S restaurant. . . and after that I went alone to buy some cofee and smoke some sticks while watching in the front seat of a live band. . .

I'm Contented. . .

QUOTE FOR THE DAY

"If you hate a person, you hate something in him that is part of yourself. What isn't part of ourselves doesn't disturb us." ~Hermann Hesse

Questions 1.1

...
Bakit kaya ang ibang panaginip nakakalimutan kaagad pagkagising na pagkagising mo,
at ang iba naman matatandaan mo habang buhay?