Wednesday, January 16, 2008
ISOY
Pinilit kitang layuan,
Ang matigas at matatag na pangakong aking binitawan,
mula sa bibig kong iyong tinambayan,
mula noong akoy nalulumbay,
hangang akoy nakawala na sa selda ng pagkamatay.
Saksi ka sa bawat pagkakataong akoy nag-iisa,
di ka lang nag iisa dahil lahat kayo sinamahan ako.
sa bawat pagsisisi at pagsusumbat ko sa mundo,
bilib nga ako senyo.
buti pa kayo walang problema. . .
buti pa kayo walang reklamo. . .
aaminin kong masarap kang kasama,
aaminin kong masaya kang ka tropa,
kaya lang lagi kang namamatay...
maikli lang ang taning ng iyong buhay...
buti ka pa't di mo nararanasan ang maagnas,
dahil nagiging abo ka kaagad,
umaakyat sa langit ang kaluluwa mo,
ngunit nananatili ka parin sa loob ko...
sinubukan kong magpaalam,
pero kusa kang bumabalik,
sinubukan kong tigilan ang pag habol,
ngunit sayo parin nakakapit,
sinubukan kong lumayo,
pero di ko kayang makitang may kasama kang iba,
at ikaw ay hawak niya,
kahit nakakasakit at akoy nagkakasakit...
ano naman? basta masaya...
ganun din naman. . .
mamamatay at mamamatay tayong dalawa...
kita nalang tayo bukas ng umaga...
doon uli sa may morayta...
doon sa araneta...
pwede na rin sa ibang planeta...
at kung saan may okasyon...
dyan ka lang.
dito lang ako.
mag pa usok tayo...
Ang matigas at matatag na pangakong aking binitawan,
mula sa bibig kong iyong tinambayan,
mula noong akoy nalulumbay,
hangang akoy nakawala na sa selda ng pagkamatay.
Saksi ka sa bawat pagkakataong akoy nag-iisa,
di ka lang nag iisa dahil lahat kayo sinamahan ako.
sa bawat pagsisisi at pagsusumbat ko sa mundo,
bilib nga ako senyo.
buti pa kayo walang problema. . .
buti pa kayo walang reklamo. . .
aaminin kong masarap kang kasama,
aaminin kong masaya kang ka tropa,
kaya lang lagi kang namamatay...
maikli lang ang taning ng iyong buhay...
buti ka pa't di mo nararanasan ang maagnas,
dahil nagiging abo ka kaagad,
umaakyat sa langit ang kaluluwa mo,
ngunit nananatili ka parin sa loob ko...
sinubukan kong magpaalam,
pero kusa kang bumabalik,
sinubukan kong tigilan ang pag habol,
ngunit sayo parin nakakapit,
sinubukan kong lumayo,
pero di ko kayang makitang may kasama kang iba,
at ikaw ay hawak niya,
kahit nakakasakit at akoy nagkakasakit...
ano naman? basta masaya...
ganun din naman. . .
mamamatay at mamamatay tayong dalawa...
kita nalang tayo bukas ng umaga...
doon uli sa may morayta...
doon sa araneta...
pwede na rin sa ibang planeta...
at kung saan may okasyon...
dyan ka lang.
dito lang ako.
mag pa usok tayo...
Monday, January 14, 2008
ENOHPLLEC
Araw-araw mo akong kasama,
Ang gumigising sa iyo sa bawat bukang liwayway,
at Madalas katitigan mo sa umaga.
Maya't maya mo akong sinisilip,
kung tao lang ako ay sasabog ang aking utak at dib-dib.
pero hindi...
kuntento na ako sa pagiging ganito.
Tanda mo pa ba yung torpe ka pa,
ako ang naging daan para ikaw ay makapanligaw
at maging paraan para kayo'y maging malapit sa isa't isa.
Lahat ginawa ko na para sa iyo,
kahit wala ka ay sinusustentuha mo ang simpleng pangangailangan ko.
pero sobra sobra ang ang mga naibibigay ko sa iyo,
kahit alam kong ako lang naman ay isa sa mga ginagamit mo.
buti nalang di ako nasasaktan,
dahil kung ako lang ay may pakiramdam,
tiyak na akoy mabilis na sa iyo'y magpapaalam,
walang dahilan at walang pag aalinlangan.
naririnig ko ang saya,
nababasa ko ang iyong mga lumbay,
ako ang una mong sinisigawan pag ikaw ay galit,
ngunit sa akin ka rin muling bubulong at magmamaka awa.
sa gabi ako ang iyong huling hawak,
sa gabi kung saan tititigan at kakausapin paminsan.
minsan naiiwan mo nalang ako habang unti-unti mo akong tinutulugan.
saksi ako sa iyong paghimlay.
Itago mo nalang ako sa iyo,
at hawakan mo ako pag akoy kailangan mo.
yun lang naman ang trabaho ko.
ang maging gamit personal na gamit mo.
di m gets? cellphone ako... hahaha X_X
Ang gumigising sa iyo sa bawat bukang liwayway,
at Madalas katitigan mo sa umaga.
Maya't maya mo akong sinisilip,
kung tao lang ako ay sasabog ang aking utak at dib-dib.
pero hindi...
kuntento na ako sa pagiging ganito.
Tanda mo pa ba yung torpe ka pa,
ako ang naging daan para ikaw ay makapanligaw
at maging paraan para kayo'y maging malapit sa isa't isa.
Lahat ginawa ko na para sa iyo,
kahit wala ka ay sinusustentuha mo ang simpleng pangangailangan ko.
pero sobra sobra ang ang mga naibibigay ko sa iyo,
kahit alam kong ako lang naman ay isa sa mga ginagamit mo.
buti nalang di ako nasasaktan,
dahil kung ako lang ay may pakiramdam,
tiyak na akoy mabilis na sa iyo'y magpapaalam,
walang dahilan at walang pag aalinlangan.
naririnig ko ang saya,
nababasa ko ang iyong mga lumbay,
ako ang una mong sinisigawan pag ikaw ay galit,
ngunit sa akin ka rin muling bubulong at magmamaka awa.
sa gabi ako ang iyong huling hawak,
sa gabi kung saan tititigan at kakausapin paminsan.
minsan naiiwan mo nalang ako habang unti-unti mo akong tinutulugan.
saksi ako sa iyong paghimlay.
Itago mo nalang ako sa iyo,
at hawakan mo ako pag akoy kailangan mo.
yun lang naman ang trabaho ko.
ang maging gamit personal na gamit mo.
di m gets? cellphone ako... hahaha X_X
~VN
Bending pieces till they fit...
Every time i think of it,
I cant get over with it. . .
This Thing With you that I can't Comprehend. . .
Say it if your Mad,
Shout it out loud. . .
I don't care how much you rub it on me. . .
I just want to know. . .
are you still thingking about me?. . .
Do I still matter or I will just be another forgoten face and name
that you'll always see?. . .
I know theres no way to bring the Past,
which is,for you, is so obsolete. . .
but let it not be insignificant for you. . .
I can't blame you for being these things. . .
I just want to let you know that I still care,
not for what we did when we were closer. . .
but for everything that we have shared together...
but now I feel how your apathethic pressure
push all these it into its closure. . .
But still,
I will always be your better friend. . .
Im still hoping that you won't put those sweet begginings to a bitter End.
~VN
Opposing to Position
Siguro ang dami nang nabago sa mundo. . .
Kung hindi lang naghihintay ang tao. . .
Sa mga bagay na di naman dapat hinihintay. . .
Mga bagay na Di naman dapat nakatambay. . .
Nakakalumbay at nakakamatay. . .
mga aninong nagsasapawan. . .
mga aninong nagtatakipan. . .
para saan? eh kahit anong gawin ay anino parin naman?
Para saan ba ang posisyon?
Kailangan pa bang maghintay ng madla?
Kung ang sa isip ng karamihan...
"Dapat nasa posisyon muna ako bago ako gumawa"
Lahat tayo nagmukha nang gago. . .
At lahat tayo matagal nang nagpaloko. . .
Kung hindi lang naghihintay ang tao. . .
Sa mga bagay na di naman dapat hinihintay. . .
Mga bagay na Di naman dapat nakatambay. . .
Nakakalumbay at nakakamatay. . .
mga aninong nagsasapawan. . .
mga aninong nagtatakipan. . .
para saan? eh kahit anong gawin ay anino parin naman?
Para saan ba ang posisyon?
Kailangan pa bang maghintay ng madla?
Kung ang sa isip ng karamihan...
"Dapat nasa posisyon muna ako bago ako gumawa"
Lahat tayo nagmukha nang gago. . .
At lahat tayo matagal nang nagpaloko. . .
Sunday, January 13, 2008
AN at TOK
Anghel sa gabi
Di mapakali. . .
Anghel sa Umaga
Di makahiga. . .
Ngayon Puyat. . .
Sa skwela bangag. . .
Hetot sa Keyboard ngayoy Tumatak-tak. . .
I am Myself
"BIEN, BAT KA NAG IISA?"
"BIEN BAT KA PALAGING NAG IISA?"
"BAT IKAW LANG MAG ISA?"
"MAG ISA KA LANG DIYAN ANO NAMAN GAGAWIN MO DYAN?"
"SIGURADO KA IKAW LANG?"
"BUTI KAYA MONG MAG ISA?"
Yan ang madalas na tanong sa akin...
Bakit nga ba? Siguro, dahil gusto ko mag isa...
Hindi naman ako Loner, Di rin naman ako outkast, Di naman isolated. . . at lalong hindi ako praning ( although sometimes I think I am)
Bakit nga ba ako mag isa?
Matagal na panahon na, Bata pa lang ako sabi ni Ermats mahilig daw ako maglaro mag isa...
Lalatagan niya lang ako ng laruan sa harap ko eh masaya na ako,naglalaro daw ako mag isa... at siya naman eh dirediretso sa paglalaba ng mga damit namin ng hindi naiistorbo. . .
Noong bata ako mahilig ako mag bike. . . kung saan saan ako nakakarating ng ako lang mag isa.
Naliligaw, pero nakakabalik din. Gusto ko mapunta sa pinakamalayong lugar na kaya kong bisikletahin, kahit maligaw - ligaw na ako. . . gusto ko lang makakita ng bagong lugar, mga lugar na hindi kayang abutin ng paa ko, mga lugar kung saan tinatangihan lakarin at di pinag-tyatyagaang pag aksayahan ng panahon ng ibang tao, gusto ko adventure...
minsan may kasama ako. . . pero ayoko minsan ng may kasama, kasi pag may kasama ka paminsan nalilimitahan ang gusto mong gawin. . . di mo alam kung susunod ka sa dikta niya o sa dikta mo... di mo alam kung sino ang leader, di mo rin alam kung magiging masaya ka ba sa desisyon niya, O magiging masaya ka sa desisyon mo alang alang sa kasama mo. . .
Minsan nakakapagod talagang maging sunud-sunuran sa gusto ng ibang tao, wala ka namang dahilan para magalit dahil di ka naman pinipilit na sumunod. . .
Bakit kaya karamihan ng tao ayaw ng nag iisa?
Oo malungkot ang nag- iisa... natural lang naman sa tao ang maghanap ng kasama. Syempre mas masayang may kasama, pero hindi ibig sabihin na kapag nag iisa ka eh mag isa ka lang talaga. . . minsan kapag mag isa ka mas marami kang nagagawa, mas marami kang nararating, mas marami kang napapala. . . para sa iba minsan. . . pero para sa akin madalas. marami akong kaibigan, sa totoo nga hindi ko na mabilang sa ngayon. . . papano ko sila nakilala? simple. . . kasi ako lang mag isa... kaya nag karoon ako ng kasama.
Ano ba ang halaga ng pagiging mag isa?
Para sa akin?
Napakalaki. . .
Madalas akong mag isa. . . dahil gusto kong mag isa. . .
Madalas akong mag isa dahil ayoko ng may iniisip na iba. . .
gusto kong pumunta kung saan ako dadalahin ng paa ko. . .
kahit ngayong matanda na ako. . .
mas payapa ako pag kasama ko ang sarili ko...
Madalas ako lang talagang mag isa. . .
papasok at pauwi ng eskwela,
sa kwarto at sa labas ng bahay,
halos sa lahat ng bagay ako lang. . .
ang mahirap lang, kapag may problema ka at gusto mo paring mag isa. . .
dun ka magtatanong...
Kaya ko ba tong mag isa?
Marami naniniwala sa kasabihang
"No man is an Island"
"No man is an Island"
Pero para sa akin
"Everyone is an Island."
Lets get literal>>>
is·land - noun (plural is·lands)
1. piece of land surrounded by water: an area of land, smaller than a continent, that is completely surrounded by water (often used in place names)
2. something like island: something that is like an island because it is isolated or surrounded by something different"No man is an island, entire of itself.
Lahat tayo ay mga maliliit na tipak ng lupa, mga lupa na lumulutang sa kawalan. . . mga lupang inaalon ng buhay... lulubog at lilitaw. . . minsan pag nagsama ang dalawang tipak ng lupa, dalawa ang posibleng mangyari. . . sabay silang lulubog dahil pareho silang mabigat, o di naman eh sabay silang lulutang dahil pareho silang sumusuporta sa bigat ng isat isa. . .
Ewan. . . malabo ako. . . pero minsan di ko talaga alam kung san ko nakukuha ang pinag sasasabi ko. . .
Ako ay isang tipak ng lupa. . . wala akong gustong kapitan. . . wala rin naman akong gustong hiwalayan. . . masaya ako dahil isa akong tipak ng lupa. . . inaalon kung saan saan. . . di ko kailangan ng suporta at di ko kailangan ng pabigat. . . gusto ko lang mag isa. . . ako ang magpapatibay sa sarili kong lupa, ako ang susuporta sa sarili ko. . . para kung sakaling alunin ako ng malakas kakayanin ko. . . hindi ako basta basta lulubog at kakapit kung saan. . . dahil alam kong matibay ako. . . mag isa nga ako pero tiwala akong kaya ko. . . ganun ang gusto ko. . .
marami sa atin ang may kasama para lang masabing hindi siya "loner" o nag-iisa. . . marami sa atin ang sumasama para malaman nila kung san sila bagay. . . marami sa atin ang sumasama sa prosisyong di naman natin alam kung saan ang direksiyon...
sabi nga nila...
"BIRDS WITH THE SAME FEATHER FLOCK TOGETHER"
...which is true
Pero sa panahon ngayon marami ng labels. . . emo,hip-hop,rocker,goth,ghetto lahat na nilagyan ng pangalan. . . mabigyan lng ng kahulugan yung lifestyle nila na ipinagpipilitan nila. . . diba?
maraming tao ang pinipilit ilagay ang sarili nila sa estado kung saan hindi nila matanggap na pag wala silang pangkat o grupo eh kinukunsidera nila ang sarili nila na isang walang kwentang tao dahil walang gusto saumama sa kanila, ayaw nilang makita sila ng lipunan na wala silang pangkat, kaya madalas napapasama sila sa mga grupong di naman nila gusto para sirain ang ibang grupo na hindi rin naman nila gusto. . . paulit-ulit lang. . . tila sila mga ibong handang i-ulam at iprito...redundant. . . sa akin?
Ako ay ako. . .
mas masaya kasama ang sarili ko. . . subukan mo sumama sa akin, bahala ka na lang sa desisyon mo. . .
"basta kung sasama ka sa akin sana isama mo rin ang sarili mo."
†
Ngayon tanungin mo ako. . .
"BAKIT KA NAG IISA?"
Eto ang sagot ko sayo. . .
"BAKIT KA NAG IISA?"
Eto ang sagot ko sayo. . .
"Kasama ko ang sarili ko."
Subscribe to:
Posts (Atom)