Pano ko nga ba sya ipapaliwanag?
Para siyang Ice Cream sa ngipin kong nangingilo,
Para siyang kanin na nakasingit sa pagitan ng gilagid ko,
Para siyang Mangga na kulay green at may asin,
Para siyang pagpapagupit ng bangs ko,
... Siya ang nasa gilid ng aking mata tuwing umaga,
... Ang notang di ko makapa sa gitara,
... Ang ngawit sa aking leeg kapag nag byo-byolin,
... Ang "Hangang sa huli hiiii hiii aaaaahhhh...." ng kantang "kahit kailan"
... Ang napulot kong isang daan sa Tabi ng Quiapo,
... ang Nakakapasong taho sa malamig na gabi,
... Ang sabaw ng balot na aking sinisip-sip,
... Ang makating pantal sa aking binti,
... Ang amoy ng pinipig,
... Ang Chili-Garlic sa siomai ko,
... Ang Mantikilya sa toasted-bread ko,
... Ang creamer sa aking kape,
... At ang nicotine sa ko yosi ko
...Ang unang sweldo ko
...Ang huling tawad sa sapatos ko
...Ang last page ng nobelang binabasa ko
...Ang trailer ng pelikulang pinakahihintay ko
>>.
Thursday, January 22, 2009
Tuesday, January 20, 2009
YOSI BREAK DOWN
Tuwing Papasok ako ng eskwela, kada stop-oversyempre yosi muna! hahaha! pagbaba ng tricycle
Estimated yosi hmmmmmmmmmmmmm. . . consumed per day: 13 sticks <20+>
Estimated cost: hmmmmmmmmmmmm. . .21php per 10's pack + 3 additional sticks
Estimated time per stick: hmmmmmmm. . . . . . .hmmmmmm. .average of 4-5 min <2-3>
Possible causes: Shortness of breath, addiction,blurred vision, nausea, dehydration, autism,
Monday, January 19, 2009
ONE CHANCE
I expect to pass through life but once.
If, therefore, there be any kindness I can show,
Or any good thing I can do to any fellow being,
Let me do it now, as I shall not pass this way again.
Sa Tren
Noon. . .Tanda ko pa. . .
sa tren din tayo unang nagkatagpo. . .
sa mismong pinto, kung saan ka nakatayo. . .
sa mismong pinto, kung saan ako bababa. . .
nandoon ka. . .
At ngayon. . .
Ngayong wala kana. . .
Umaandar ang ating tren at tayo'y nagkawayan nalamang
magkaiba ang ating daanan. . .
at unti-unti kang nawala. . .
Kung muli kitang makikita,
Kung muli kang makakaramdam,
Kung muli mo akong matitignan at matititigan. . .
tulad ng dati mong pagtingin sa aking pagkatao at aking mga mata. . .
sa tren din tayo unang nagkatagpo. . .
sa mismong pinto, kung saan ka nakatayo. . .
sa mismong pinto, kung saan ako bababa. . .
nandoon ka. . .
At ngayon. . .
Ngayong wala kana. . .
Sa tren din muling nagkita. . .
Huminto ang ating tren. . .
At doon sa bintana. . .
sa mismong bintana, kung saan ako nakadungaw. . .
bigla ka nalang lumitaw. . .
Nagkatinginan tayo't natulala. . .
Huminto ang ating tren. . .
At doon sa bintana. . .
sa mismong bintana, kung saan ako nakadungaw. . .
bigla ka nalang lumitaw. . .
Nagkatinginan tayo't natulala. . .
Umaandar ang ating tren at tayo'y nagkawayan nalamang
magkaiba ang ating daanan. . .
at unti-unti kang nawala. . .
Kung muli kitang makikita,
Kung muli kang makakaramdam,
Kung muli mo akong matitignan at matititigan. . .
tulad ng dati mong pagtingin sa aking pagkatao at aking mga mata. . .
kaya mo bang tangalin ang aking mga nagawang pagkakasala?
itutulak mo ba uli ako at ihihiga sa damuhan at
Sasabihin mo parin ba? na "Mahal na Mahal kita. . ."
itutulak mo ba uli ako at ihihiga sa damuhan at
Sasabihin mo parin ba? na "Mahal na Mahal kita. . ."
BLACK AMERICA
Today is the inaguration of the first black president of America...
I Believe in his world view and his ideals. . .
I hope that he is not the so called "BEAST"
“Today we are engaged in a deadly global struggle for those who would intimidate, torture, and murder people for exercising the most basic freedoms. If we are to win this struggle and spread those freedoms, we must keep our own moral compass pointed in a true direction.” ~ Obama
ANG ARAW NA PINAKAWALAN KITA. . .
Madilim na ang paligid,
may Salu-salo paring maligalig,
Pag pitik ng ikaapat na yosi,
Sumakay na kami sa jeep. . .
Kasabay ang ilokana,
sa kahabaan ng Espanya,
Kung saan ang biyahe ay isang pagsubok,
May panganib palang nasa sulok. . .
Kay saya ng usapan,
walang humpay na tawanan,
di namalayan,
ang padating na kadiliman. . .
nginig at takot,
ang bumalot sa sasakyang bulok,
sa gitna ng usok at ingay,
may apat na sungay palang nakasilay. . .
mula sa kadiliman,
hinigop nila ang aming laman,
sinubukan kong manlaban,
ngunit bigla nalang natutukan. . .
Higanteng tinidor na nilagay sa aking tagiliran,
naisip ko ang dalawang posibleng kahinatnan,
"ibigay mo na lang!" sabi ng Ilokana,
masama man sa king' loob, ito na rin ang napagpasyahan...
may Salu-salo paring maligalig,
Pag pitik ng ikaapat na yosi,
Sumakay na kami sa jeep. . .
Kasabay ang ilokana,
sa kahabaan ng Espanya,
Kung saan ang biyahe ay isang pagsubok,
May panganib palang nasa sulok. . .
Kay saya ng usapan,
walang humpay na tawanan,
di namalayan,
ang padating na kadiliman. . .
nginig at takot,
ang bumalot sa sasakyang bulok,
sa gitna ng usok at ingay,
may apat na sungay palang nakasilay. . .
mula sa kadiliman,
hinigop nila ang aming laman,
sinubukan kong manlaban,
ngunit bigla nalang natutukan. . .
Higanteng tinidor na nilagay sa aking tagiliran,
naisip ko ang dalawang posibleng kahinatnan,
"ibigay mo na lang!" sabi ng Ilokana,
masama man sa king' loob, ito na rin ang napagpasyahan...
Dalawang demonyong biglang naglaho,
sa gitna ng eskenita, dilim, at maiingay na busina. . .
Sabi ng Ilokana
"Bakit ka nakatawa?
Parang walang nangyari.
Ako na tong di nakuhanan, ako pa tong nahintatakutan"
Panatag ang loob,
kahit may konting sama ng loob,
ngunit sa aking loob-loob,
may kirot parin at konting pag-dadabog. . .
Nangyari na ang nangyari,
wala namang mangyayari,
kung sisimangot lalu lang mabubugnot,
bat di' daanin sa ngiti,
kahit papano naiibsan ang pighati. . .
Eto ang araw na pinakawalan kita. . .
Subscribe to:
Posts (Atom)