sa tren din tayo unang nagkatagpo. . .
sa mismong pinto, kung saan ka nakatayo. . .
sa mismong pinto, kung saan ako bababa. . .
nandoon ka. . .
At ngayon. . .
Ngayong wala kana. . .
Sa tren din muling nagkita. . .
Huminto ang ating tren. . .
At doon sa bintana. . .
sa mismong bintana, kung saan ako nakadungaw. . .
bigla ka nalang lumitaw. . .
Nagkatinginan tayo't natulala. . .
Huminto ang ating tren. . .
At doon sa bintana. . .
sa mismong bintana, kung saan ako nakadungaw. . .
bigla ka nalang lumitaw. . .
Nagkatinginan tayo't natulala. . .
Umaandar ang ating tren at tayo'y nagkawayan nalamang
magkaiba ang ating daanan. . .
at unti-unti kang nawala. . .
Kung muli kitang makikita,
Kung muli kang makakaramdam,
Kung muli mo akong matitignan at matititigan. . .
tulad ng dati mong pagtingin sa aking pagkatao at aking mga mata. . .
kaya mo bang tangalin ang aking mga nagawang pagkakasala?
itutulak mo ba uli ako at ihihiga sa damuhan at
Sasabihin mo parin ba? na "Mahal na Mahal kita. . ."
itutulak mo ba uli ako at ihihiga sa damuhan at
Sasabihin mo parin ba? na "Mahal na Mahal kita. . ."