Thursday, April 10, 2008

DREAMING

kung pwede lang sanang ganito lagi ang panaginip ko, ang saya siguro ng bawat gising ko.

On The Unseen

We can't have full knowledge all at once. We must start by believing; then afterwards we may be led on to master the evidence for ourselves. - Saint Thomas Aquinas"

Wednesday, April 9, 2008

On Passivity. . .

Passive acceptance of the teacher's wisdom is easy to most boys and girls. It involves no effort of independent thought, and seems rational because the teacher knows more than his pupils; it is moreover the way to win the favour of the teacher unless he is a very exceptional man. Yet the habit of passive acceptance is a disastrous one in later life. It causes man to seek and to accept a leader, and to accept as a leader whoever is established in that position.

~Bertrand Russell (1872 - 1970)

Tuesday, April 8, 2008

COMPLEXITY



Ano ang pipiliin mo?

Pakawalan mo ang tao kung totoong mahal mo siya at gusto mo siyang maging maligaya, kahit hindi ka parte ng kaligayahang iyon.

Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hinahawakan ng iba.
. . .
Ang Labo . . .
Sa dalawang pagpipilian ano ang pipiliin mo?
Alin sa dalawa ang papanigan mo?
May tama ba o may mali?
Papaano kung parehong tama?
Papaano kung parehong mali?
May makapagsasabi ba?
Kung ikaw yung KRUS sa gitna ng dalawang desisyon?
at wala kang piliin sa dalawa. . .
Mas mabuti ba?
. . .
alam mo ba ang pakiramdamam sa na iyon?
alam ko.

Sunday, April 6, 2008

_____

Siguro lahat naman tayo'y may mga blanko sa buhay natin, kadalasan yung mga blankong dapat na sana'y napunan na natin pero wala nang pantasa sa putol na lapis o tinta sa nagtataeng bolpen na kukumpleto sa isang pahabang linyang walang kabuluhan. kung mapupunan. . . ano naman?

May mababago ba?

Sa mga tanong na gusto ko maging _____ ?

Pangarap kong maging ____ ?

Kailangan kong maging ____ ?

Sana ______ ?

Kung meron ka ngang pang sulat sa mga blanko ngunit kahit kailan di mo na pwedeng mabura ang mga sagot mong nais mong baguhin. . . kung ang buhay natin ay isang blankong kapag sinulatan mo ay wala nang pangalawang pagkakataon, wala nang bura-bura, wala nang pwedeng baguhin. . . erasure means wrong ba?

kung wala kang isagot sa mga blanko pero sa sarili mo alam mo ang mga sagot sa mga sumusunod na tanong. . . sasagot ka pa ba?

para saan ang puntos kung alam mong maraming posibleng sagot sa iisang tanong?
para saan ang sagot kung alam mo namang isang malaking pambura ang mundong ginagalawan mo?
Para saan ang tanong na simula't sapul alam mo naman ang tunay na sagot?