Tuesday, April 15, 2008

REFRACTION

Ilang beses niyang tinangkang mag bago, Di lalagpas ang isang taong di niya inuulit ang plaka sa utak niya, kahit pudpod na ang makina. Mga pangyayaring naganap sa buhay niya,


mga pangyayaring di niya inaakalang siya ang nagiisang may pakana, sa mga alitan at pag-papangap na siya'y totoo sa sarili niya, ngunit rinig na rinig niya ang dumadagungdong na pagpupumiglas ng katotohanan sa kaniyang pagkatao.





Pinuksa siya ng sarili niyang mga plano, ng pag-ibig, galit at salitang akala niya'y makakapagbago ng takbo, ng pag-lukso ng kapalaran niya, ng mga aninong pilit na humihigop sa mga liwanag na nabubuo niya.





At sa huling sandali tinangka niyang muling sinagan ang mga multong pilit na humahatak sa kanyang mga pangarap, mga panaginip at ang miserableng gabing bumalot sa kanyang nabuong daigdig.





Doon sa tuktok ng kanyang mga mithiin, pilit niyang minumulat ang kaniyang mga matang pinupuwing ng mga abong galing sa bibliya ng pagkakamali niya, lumalabo ang kanyang mata ngunit tumatalas ang kaniyang pandinig, naririnig niya ang sigaw ng kaniyang anghel na minsay nagmulat sa kaniya upang magkaroon ng saysay ang lantang buhay na sinubukan niyang diligan at bigyan ng kabuluhan.





tinibayan niya ang kanyang bawat yapak, hinawi ang abong nagiging mga ulap, hinugot ang huling hininga at sinubukan niyang isigaw ang pangalan ng anghel . . .








Ang alingaw-ngaw ng kaniyang sigaw na minsan na niyang ibinulong sa mga ulap ng gabi, minsan nang narinig ng buwang pilit na nagtatago sa kalawakan. . . na minsay gimising sa natutulog na diyos. . .






























Camille




Sunday, April 13, 2008

Nocturne


Isang hakbang papalayo sa nasimulan,
paunti-unting napupunta sa kawalan,
linilingon ang bawat yapak na naiwan.
tinutumbok ang malabong hangganan ng
katotohanan sa nararamdaman.



12 - 08

. . . I't makes me feel better to think that it will happen again . . . even if it won't.