Siguro lahat naman tayo'y may mga blanko sa buhay natin, kadalasan yung mga blankong dapat na sana'y napunan na natin pero wala nang pantasa sa putol na lapis o tinta sa nagtataeng bolpen na kukumpleto sa isang pahabang linyang walang kabuluhan. kung mapupunan. . . ano naman?
May mababago ba?
Sa mga tanong na gusto ko maging _____ ?
Pangarap kong maging ____ ?
Kailangan kong maging ____ ?
Sana ______ ?
Kung meron ka ngang pang sulat sa mga blanko ngunit kahit kailan di mo na pwedeng mabura ang mga sagot mong nais mong baguhin. . . kung ang buhay natin ay isang blankong kapag sinulatan mo ay wala nang pangalawang pagkakataon, wala nang bura-bura, wala nang pwedeng baguhin. . . erasure means wrong ba?
kung wala kang isagot sa mga blanko pero sa sarili mo alam mo ang mga sagot sa mga sumusunod na tanong. . . sasagot ka pa ba?
para saan ang puntos kung alam mong maraming posibleng sagot sa iisang tanong?
para saan ang sagot kung alam mo namang isang malaking pambura ang mundong ginagalawan mo?
Para saan ang tanong na simula't sapul alam mo naman ang tunay na sagot?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment