Monday, January 19, 2009

Sa Tren

Noon. . .Tanda ko pa. . .
sa tren din tayo unang nagkatagpo. . .
sa mismong pinto, kung saan ka nakatayo. . .
sa mismong pinto, kung saan ako bababa. . .
nandoon ka. . .

At ngayon. . .
Ngayong wala kana. . .


Sa tren din muling nagkita. . .
Huminto ang ating tren. . .
At doon sa bintana. . .
sa mismong bintana, kung saan ako nakadungaw. . .
bigla ka nalang lumitaw. . .
Nagkatinginan tayo't natulala. . .

Umaandar ang ating tren at tayo'y nagkawayan nalamang
magkaiba ang ating daanan. . .
at unti-unti kang nawala. . .
Kung muli kitang makikita,
Kung muli kang makakaramdam,
Kung muli mo akong matitignan at matititigan. . .



tulad ng dati mong pagtingin sa aking pagkatao at aking mga mata. . .
kaya mo bang tangalin ang aking mga nagawang pagkakasala?
itutulak mo ba uli ako at ihihiga sa damuhan at
Sasabihin mo parin ba? na "Mahal na Mahal kita. . ."

1 comment:

Anonymous said...

may mga pangyayari din akong ganyan, nakatago lang sa isip ko pero kaya kong gawing words yun kung gugustuhin ko, iniisip ko lang baka makulong ako sa ilusyon ng nakaraan, pero kaya natin to, iba tayo eh hahaha ^^.