Monday, January 19, 2009

ANG ARAW NA PINAKAWALAN KITA. . .

Madilim na ang paligid,
may Salu-salo paring maligalig,
Pag pitik ng ikaapat na yosi,
Sumakay na kami sa jeep. . .

Kasabay ang ilokana,
sa kahabaan ng Espanya,
Kung saan ang biyahe ay isang pagsubok,
May panganib palang nasa sulok. . .

Kay saya ng usapan,
walang humpay na tawanan,
di namalayan,
ang padating na kadiliman. . .

nginig at takot,
ang bumalot sa sasakyang bulok,
sa gitna ng usok at ingay,
may apat na sungay palang nakasilay. . .

mula sa kadiliman,
hinigop nila ang aming laman,
sinubukan kong manlaban,
ngunit bigla nalang natutukan. . .

Higanteng tinidor na nilagay sa aking tagiliran,
naisip ko ang dalawang posibleng kahinatnan,
"ibigay mo na lang!" sabi ng Ilokana,
masama man sa king' loob, ito na rin ang napagpasyahan...

Dalawang demonyong biglang naglaho,
sa gitna ng eskenita, dilim, at maiingay na busina. . .
Sabi ng Ilokana
"Bakit ka nakatawa?
Parang walang nangyari.
Ako na tong di nakuhanan, ako pa tong nahintatakutan"

Panatag ang loob,
kahit may konting sama ng loob,
ngunit sa aking loob-loob,
may kirot parin at konting pag-dadabog. . .

Nangyari na ang nangyari,
wala namang mangyayari,
kung sisimangot lalu lang mabubugnot,
bat di' daanin sa ngiti,
kahit papano naiibsan ang pighati. . .

Eto ang araw na pinakawalan kita. . .

No comments: