Sunday, January 13, 2008

I am Myself



"BIEN, BAT KA NAG IISA?"
"BIEN BAT KA PALAGING NAG IISA?"
"BAT IKAW LANG MAG ISA?"
"MAG ISA KA LANG DIYAN ANO NAMAN GAGAWIN MO DYAN?"
"SIGURADO KA IKAW LANG?"
"BUTI KAYA MONG MAG ISA?"
Yan ang madalas na tanong sa akin...
Bakit nga ba? Siguro, dahil gusto ko mag isa...
Hindi naman ako Loner, Di rin naman ako outkast, Di naman isolated. . . at lalong hindi ako praning ( although sometimes I think I am)
Bakit nga ba ako mag isa?
Matagal na panahon na, Bata pa lang ako sabi ni Ermats mahilig daw ako maglaro mag isa...
Lalatagan niya lang ako ng laruan sa harap ko eh masaya na ako,naglalaro daw ako mag isa... at siya naman eh dirediretso sa paglalaba ng mga damit namin ng hindi naiistorbo. . .
Noong bata ako mahilig ako mag bike. . . kung saan saan ako nakakarating ng ako lang mag isa.
Naliligaw, pero nakakabalik din. Gusto ko mapunta sa pinakamalayong lugar na kaya kong bisikletahin, kahit maligaw - ligaw na ako. . . gusto ko lang makakita ng bagong lugar, mga lugar na hindi kayang abutin ng paa ko, mga lugar kung saan tinatangihan lakarin at di pinag-tyatyagaang pag aksayahan ng panahon ng ibang tao, gusto ko adventure...
minsan may kasama ako. . . pero ayoko minsan ng may kasama, kasi pag may kasama ka paminsan nalilimitahan ang gusto mong gawin. . . di mo alam kung susunod ka sa dikta niya o sa dikta mo... di mo alam kung sino ang leader, di mo rin alam kung magiging masaya ka ba sa desisyon niya, O magiging masaya ka sa desisyon mo alang alang sa kasama mo. . .
Minsan nakakapagod talagang maging sunud-sunuran sa gusto ng ibang tao, wala ka namang dahilan para magalit dahil di ka naman pinipilit na sumunod. . .
Bakit kaya karamihan ng tao ayaw ng nag iisa?
Oo malungkot ang nag- iisa... natural lang naman sa tao ang maghanap ng kasama. Syempre mas masayang may kasama, pero hindi ibig sabihin na kapag nag iisa ka eh mag isa ka lang talaga. . . minsan kapag mag isa ka mas marami kang nagagawa, mas marami kang nararating, mas marami kang napapala. . . para sa iba minsan. . . pero para sa akin madalas. marami akong kaibigan, sa totoo nga hindi ko na mabilang sa ngayon. . . papano ko sila nakilala? simple. . . kasi ako lang mag isa... kaya nag karoon ako ng kasama.
Ano ba ang halaga ng pagiging mag isa?
Para sa akin?
Napakalaki. . .
Madalas akong mag isa. . . dahil gusto kong mag isa. . .
Madalas akong mag isa dahil ayoko ng may iniisip na iba. . .
gusto kong pumunta kung saan ako dadalahin ng paa ko. . .
kahit ngayong matanda na ako. . .
mas payapa ako pag kasama ko ang sarili ko...
Madalas ako lang talagang mag isa. . .
papasok at pauwi ng eskwela,
sa kwarto at sa labas ng bahay,
halos sa lahat ng bagay ako lang. . .
ang mahirap lang, kapag may problema ka at gusto mo paring mag isa. . .
dun ka magtatanong...
Kaya ko ba tong mag isa?
Marami naniniwala sa kasabihang

"No man is an Island"
Pero para sa akin
"Everyone is an Island."
Lets get literal>>>
is·land - noun (plural is·lands)

1. piece of land surrounded by water: an area of land, smaller than a continent, that is completely surrounded by water (often used in place names)

2. something like island: something that is like an island because it is isolated or surrounded by something different"No man is an island, entire of itself.

Lahat tayo ay mga maliliit na tipak ng lupa, mga lupa na lumulutang sa kawalan. . . mga lupang inaalon ng buhay... lulubog at lilitaw. . . minsan pag nagsama ang dalawang tipak ng lupa, dalawa ang posibleng mangyari. . . sabay silang lulubog dahil pareho silang mabigat, o di naman eh sabay silang lulutang dahil pareho silang sumusuporta sa bigat ng isat isa. . .
Ewan. . . malabo ako. . . pero minsan di ko talaga alam kung san ko nakukuha ang pinag sasasabi ko. . .
Ako ay isang tipak ng lupa. . . wala akong gustong kapitan. . . wala rin naman akong gustong hiwalayan. . . masaya ako dahil isa akong tipak ng lupa. . . inaalon kung saan saan. . . di ko kailangan ng suporta at di ko kailangan ng pabigat. . . gusto ko lang mag isa. . . ako ang magpapatibay sa sarili kong lupa, ako ang susuporta sa sarili ko. . . para kung sakaling alunin ako ng malakas kakayanin ko. . . hindi ako basta basta lulubog at kakapit kung saan. . . dahil alam kong matibay ako. . . mag isa nga ako pero tiwala akong kaya ko. . . ganun ang gusto ko. . .
marami sa atin ang may kasama para lang masabing hindi siya "loner" o nag-iisa. . . marami sa atin ang sumasama para malaman nila kung san sila bagay. . . marami sa atin ang sumasama sa prosisyong di naman natin alam kung saan ang direksiyon...
sabi nga nila...
"BIRDS WITH THE SAME FEATHER FLOCK TOGETHER"
...which is true
Pero sa panahon ngayon marami ng labels. . . emo,hip-hop,rocker,goth,ghetto lahat na nilagyan ng pangalan. . . mabigyan lng ng kahulugan yung lifestyle nila na ipinagpipilitan nila. . . diba?
maraming tao ang pinipilit ilagay ang sarili nila sa estado kung saan hindi nila matanggap na pag wala silang pangkat o grupo eh kinukunsidera nila ang sarili nila na isang walang kwentang tao dahil walang gusto saumama sa kanila, ayaw nilang makita sila ng lipunan na wala silang pangkat, kaya madalas napapasama sila sa mga grupong di naman nila gusto para sirain ang ibang grupo na hindi rin naman nila gusto. . . paulit-ulit lang. . . tila sila mga ibong handang i-ulam at iprito...redundant. . . sa akin?
Ako ay ako. . .
mas masaya kasama ang sarili ko. . . subukan mo sumama sa akin, bahala ka na lang sa desisyon mo. . .
"basta kung sasama ka sa akin sana isama mo rin ang sarili mo."
Ngayon tanungin mo ako. . .

"BAKIT KA NAG IISA?"

Eto ang sagot ko sayo. . .


"Kasama ko ang sarili ko."

1 comment:

Anonymous said...

tama tama,,nag iisa ka Lang,,sa mundo mo,,ikaw lang ang totoong tao,,ilusyon lang ang mga tao sa paligid mo,sinusubukan ka Lang niLa kung gaano ka tatagal ng nakatayo at humihinga,,heheheh

parehas pala tayo,,my nasulat akong ganyan kakatapos Lang ah,,

mark7th.multiply.com check mo,,tittle nun "MINSAN" baka ma3pan mo ^^.