Tuesday, February 10, 2009

MANsaNAS

Nasan ka na kaya?
Palagay ko nasa bar ka nanaman,
tinitipa at kinakalabit ang iyong baho,
siguro marami ka na ngang pinagbago,
dati rati lang isinasama kita sa aming tugtugan,

duon sa muzon,
may studio doon,
dinadayo pa natin iyon,
para bang mindanao hangang luzon.

pero nasaan kana kaya ngayon?
gusto mo ba ang pinasukan mo?
balita ko lumaki na raw ang ulo mo,
simbigat ng amplifier ng baho mo.

sana nama'y di totoo,
ang mga kuro-kuro,
sana kapag ikay nakasalubong sa daan,
mamansin ka kahit tango lang,
minsan tayo'y naging malapit na magkaibigan. . .

pero ganoon talaga ang panahon,
patuloy parin sa pagtakbo,
mga landas nati'y magkaiba ang tungo,
ngunit sa iisang entablado parin tayo tug-tugtog at magtatagpo.

Sana walang lason ang mansanas mong kinagat,
Sana wag sa masamang landas ang iyong hantungan,
Sana masaya ka sa pangyayari sa paligid mo,
Sana maging totoo ka sa iyong musika. . .

No comments: