Thursday, January 15, 2009

RULER

Siguro nga wala akong karapatan na tawagin ang sarili ko na writer,
siguro nga wala akong grado na kasing taas ng mga nakuha mo noong hayskul pa tayo,

OO alam ko naging presidente ka noong highschool tayo,
OO alam ko naging isa kang estudyante sa pilot section,
At madalas kang sumagot sa mga tanong ng guro,
alam ko kung papaano mo minaliit ang opinyon ng mga kaklase mong normal,
normal dahil di sila tulad mo. . .

Sa trono ng illusyon mo.
Doon ka nakaupo,
sa mga sulatin mong nababasa lng ng mga katulad mo,
oo iskolar ka nga ng bayan at nagaaral sa statwang nakahubo,
masyado kang pormal. . . masyado kang praktikal. . .
Masyado kang perpekto,
pero iyon ang inaakala mo. . .

Di ko alam kung naging masaya ang buhay mo noong hayskul,
sobrang bait mo, mas maputi ka pa sa puto
pero sing asim mo ang saw-sawan kong suka, di ka natural
isa kang kemikal. . .

Sana naranasan mo ring mapapunta sa principal dahil sa mga katarantaduhang nagawa mo,
Sana naranasan mo ring mag cutting classes tulad ng madalas gawin naming mga tao,
Sana naranasan mong maging bartikal sa larangan ng pagka siraulo,
Sana naranasan mong maging Top 2 sa huli ng section mo,
Sana pinagsulat ka rin ng mga dahilan para maka graduate ng highschool,
Sana pinag linis ka rin sa community service dahil sa katarantaduhang nagawa mo,
Sana na pingot ka din ng teacher mo dahil sa tigas ng ulo mo,
Sana, sana, sana? Teka bat ko ba hinihiling to sayo?

Siguro masyado lang akong nalinisan sa iyo,
Siguro dahil sa isinulat mong walang kabuluhang artikulo,
Na masyado kaming assuming para tawagin ang sarili namin na manunulat?
Ano tingin mo sayo? kasi para sakin isa kang itlog na maalat. . .

Masarap ka lang sa una, pero nakakasuya,
Masyado kang sagrado nilagay mo ang sarili mo sa trono,
Di ko nga alam kung masyado ka lang matalino para makapasok dyan sa eskwelahan mo,
O masyado ka lang hangal para ipag malaki ang estado mo. . .

Sana naging masaya ka sa pagkakakuha ng diploma mo,
sa ngayon ano kayang ginagawa mo?
subukan mong gumawa ng artikulo sa dyaryo,
asahan mo . . .

gagawin kitang pambalot sa tinapa ko...

No comments: