Di ko alam kung bakit malungkot ang pandesal,
malamang naiisip niya na madalas mag isa lang siya,
malamang naiisip niya na hindi siya kabilang,
malamang naiisip niya kung bakit patuloy ko parin siyang pinagmamasdan at binibili,
kahit paminsan mapait siya at walang lasa.
Hindi siguro niya naisip na lahat tayoy mga pandesal,
mga pandesal na iba-iba lang ang luto at panlabas na anyo,
may mga pandesal na matigas sa labas pero sa loob ay mas malambot pa sa unan,
mayroon naman na sa labas ay mukhang maganda tignan, pero sa loob ay walang laman,
mayroon ding mga pandesal na sunog pero may mga taong mas trip ang mga tustadong tulad nito,
may mga pandesal na tamang tama lang ang timpla pero para sa iba kulang pa,
pero madalas may mga pandesal na mas mahal pa sa mga kapwa pandesal nila at mas dekalidad ang uri ng pagkakaluto nila,
ngunit di nila madadaig ang mga simpleng pandesal na pinaghirapang masahihin at lutuin sa pugon,
mas masarap at natural and lasa. . .
maraming klase,
iba iba ang luto,
pero pandesal parin sila kahit ano ang mangyari,
maraming itsura,
maraming pagkakaiba,
maraming personalidad,
maraming karakter,
pero tao parin sila kahit ano man ang sabihin nila.
No comments:
Post a Comment