Wednesday, February 27, 2008

~Sa Tren~

Naka sakay ako sa Tren at naka tayo, nang tumigil kami sa istasyon at...
...Nandoon siya...
sa kabilang tren habang may nakahadlang na salamin ang nasa pagitan namin. . .
Tinanong ang sarili. . .
totoo ba ito o namamalik mata lang ako???
Siya nga. . .
Yung babaeng hangang ngayon mahal ko parin.
Nakangiti at nakatawa sa kabilang salamin,
nandon parin ang kislap sa mga mata niya,
at ang mukha niyang dati ratiy nahahawakan ko pa. . .
Walang masabi at walang maisip na gawin. .
para akong tinamaan ng kung ano. . .
tumigil sandali ang panahon at bumilis ang kabog sa dibdib ko. . .
Lalong nanghina ang katawan kong pagod sa puyat at biyahe.
Kumaway.
Yun nalang ang magagawa ko. . .
At napansin niya ako,
kumaway din siya. . .
Sandali lang ang tagpong iyon pero buong araw kong iniisip iyon. . .
hangang sa pag uwi ko dala ko parin ang pakiramdam. . .
Sayang. . . kung pwede lang huminto ang tren buong araw,
kung pwede lang mabuhay sa sandaling iyon,
kung pwede lang tumigil ang oras sa mga sandaling iyon.
bakit hindi?
Magkaibang direksiyon ang aming pupuntahan pero sana sa iisang istasyon parin kami magkatagpuan.
Mga ganitong sitwasyon na di mo aakalaing darating,
mga sandaling gusto mong lumapit ngunit may mga bagay, situwasyon at pangyayari na nagiging hadlang.
wala kang magawa kung hindi tignan na lamang ang tao na habangbuhay mong inaasam.
minsan naiisip ko nalang,
iniisip parin kaya niya ako?
gusto parin kaya niya akong makita matapos ang lahat?
alam kaya niyang nasaktan ako?
alam parin kaya niya na mahal ko parin siya?
sana balang araw malaman ko ang mga sagot sa tanong ko.
. . .

No comments: