Pag Napapadaan sa Mall ng Mag-isa ako, hindi pupwedeng hindi ako dadaan sa bookstore para magbasa o maghanap ng magandang libro.
Paano ba ako maghanap at magbasa ng libro?
Step 1: Tignan ang Cover (dito papasok yung "dont judge the book by its cover" at totoo yun.)
Step 2: Tignan ang Nasa Likod, Basahin, pag na bored. . . ibabalik sa istante. Pag mukhang ok, babasa ng konting pahina.
Step 3: kapag ang nabasa ko ay nakakainspire o di kaya ay maganda ang punto, para akong kikilabutan na tila may kakalat sa buong katawan ko at mapapa hinga ng "medyo" malalim. doon ko malalaman na maganda ang libro at ito ay kailangan kong mabili.
Step 4: Umuwi ng bahay dahil walang pambili. Gawin nalang munang pangarap ang libro.
Step 5: Pag lumipas ang ilang buwan at anda ko parin ang Title ng libro at Interesado ako sa Author nito. alam ko na kailangang mapasaakin ang Libro at kailangan ko ito para sa sarili ko.
Step 6: Basahin maya't maya ang libro sa LRT, sa Jeep, sa Tricycle, sa mga klaseng BORING, at sa mga ORAS NA PAYAPA AT MAG ISA (banyo).
Step 7: Idisplay sa Istante ko sa kwarto.
Step 8: Magsulat tungkol sa libro at ibahagi ito.
Step 9: Tapos na ang Misyon ko.
Step 10: Isabuhay. Tenent!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment