Monday, February 25, 2008

People Power Version 6.50b

Lozada, Broadband Deals, Flawed Deals, Corruption, Kickback, Anti-Gloria Rallies, Protests, Scandals. . . And so On and Sooooooooooooooooo forth. . .


Sa panahon ng mga instant noodles at Instant Water at Kung anu-ano pang INSTANT. . . Instant Sakit ng Ulo naman ang Naimbento. . . ng mga scientist? Pare hindi. . . ng mga Politiko. Akalain mo yun may naimbento sila? Haha. . . Buksan mo lang ang T.V. at ilipat sa Balita. . . Sabay lunok ng Advil.

Sa Totoo lang di ko alam talaga ang totoo. madalas pagusapan sa POLITICAL SCIENCE namin ang napapanahong issue tungkol kay LOZADA at sa kung anu-ano pang kalokohan ng gobyerno. masarap makinig sa propesor ko dahil medyo naiinis na siya sa mga kaklase kong nginingitian lang siya pag nagtatanong siya, eh dinadaan nalang niya sa kwento tungkol sa pulitika, which is not bad dahil related naman ang mga tinatalakay namin sa mga kwento niya.

Kanya-kanyang opinyon, Kanya kanyang point of view ika nga. . . wala tayong magagawa kanya-kanya tayo ng pag-iisip, kanya kanya tayo ng nakikita at mga experience. . .

Minsan naiisip ko. . . pano kung magkaron nanaman ng EDSA revolution(nanaman?) o di kaya Edsa Reloaded maka gawa na kaya ng libro ang mga magtataho at gma metro aid sa Edsa Shrine ng "How to Revolt For The Dummies?" . . .

Edsa nanaman? Wag naman. . .


Maraming alternatibo, Maraming paraan. . . pero wag naman tayong magtipon-tipon nanaman sa Edsa Shrine at magpatalsik ng kung sino-sino. . . Magisip muna sana lahat tayo. . .

Kung pupunta ako sa EDSA Shrine ano ang ipaglalaban ko? Katotohanan? Ano Ba ang Totoo? Ang Sinabi niya o ang sinabi niya? Pano ko masasabing totoo ang sinabi niya? Pano? Ano ba ang paniniwalaan ko? Ano ba ang alam ko? Porket ba mas sikat si ganito sakaniya ako maniniwala?


Maraming tanong ka munang dapat sagutin bago ka magdala ng sampaguita at rosaryo at magluluhod sa EDSA at magiiyak na parang gago.

Alam mo ba ang Pulitika? Alam mo ba kung saan napupunta ang pera at tax na binabayad mo?
Lumalaban ka para saan? Ano ang gagawin mo pagkatapos mong matalo ang nilabanan mo? Boboto nanaman ng isang Opisyal na iaakyat niyo sa Pwestot Pababagsakin din uli pag di nasiyahan?
Eto ang malupit na tanong.
Anong Epekto mo?
May Epekto kaba?
Ano ang kaya mong gawin para sa pagbabago?
Magsisigaw sa sulok ng EDSA pagkatapos Maguunahan at Magsisingitan para sa mga pagkaing ipinamimigay?
LOL.
Sa mga simpleng Disiplina tayo pumapalya,
malamang sa mga maliliit na pagsuway nato bumubunga ang mga Buwaya ng Bansa.
THINK OUTSIDE THE BOX.
KUNG IKAW ANG PRESIDENTE NG PILIPINAS AT WALANG GINAWA ANG MGA NASA POSISYON DIN KUNDI GUMAWA AT MAGHANAP NG KALOKOHAN AT KATIWALIAN NA ILALAPAT SA PANGALAN MO'T ARAW-ARAW KANG ITUTURO AT DUDURUIN SA MGA KALOKOHANG IBA NAMAN ANG MAY PAKANA PERO SA IYO ISINISISI DAHIL GUSTO LANG NILA NG PWESTO MO. . .
at
BAKIT KAILANGAN PANG MAGKAROON NG PWESTO PARA KUMILOS PARA SA PAGBABAGO?
Tangina.
Buti pa mga langgam organisado.
(Edsa Revolution Version6.51 Beta Comming soon. . .)

No comments: