Monday, January 5, 2009

SCAR TISSUES

Malupit ang pag-ibig,
Sa una akala mo banayad ang lahat,
kusa mong Ibibigay ang lahat-lahat,
Pero pag dumating ang panahong siya'y magpapasya,
na isang araw ay lisanin ka. . .

wala. . .
wala ka nang magagawa. . .

Iiyak mo man ang lahat ng luha mo't
gumawa ka ng dagat-dagatang pighati,
hindi mo mapipigil and oras,
at hindi mo narin maibabalik ang dati.

Kung sa pag-ibig,maraming beses na akong nasaktan,
kumbaga sa sugat isa na akong malaking peklat,
sa larangang ito,
ako ang palaging olats. . .

Makapal man at halos manhid na sa mga nararamdaman,
kung iyong pagmamasdan, mas malambot pako sa balat ng dalandan.
akala moy matibay at di napipinsala,
pero biglain mo sa hiwa,
maglalabas agad ako ng dagta. . .

Wednesday, December 31, 2008

CREDO ~2008~

Taong Dalawan libot walo ~

Eto ang aking credo. . .

Nagsimula ang taon na ito tulad ng ibang taon. kay bilis dumating pero di mo namamalayang matatapos na pala kinabukasan,
nag simula sa 1 natapos sa 31. . . parang pasukan na kay bilis at di mo
mapapansin malapit nanaman ang bakasyon. . . nagbago ang numero pero kahit kailan di nagkakapareho ang kwento.

Pinaka mahalagang natutunan ko sa taon na ito na ako ay nahahati ako sa 3 pagkatao. . .


~Ako na akala ko ay ako ~
~Ako na Ibang ako (na ayaw ko) ~
~At ako na ako ~

Marahil lahat siguro ng tao nahahati sa tatlo,
Para bang Past,Present at Perfect Present

Naalala ko noong bagong taon na noong 2007~2008

Nakahiga ako sa kutson ko at lumuluha,
OO, lumuluha ako noon dahil dun ko naramdaman ang sapak ng buhay sa akin. . . marami akong nagawang kasalanan. . . sa ibang tao, sa magulang ko at sa sarili ko. . .

Kung ano man yon di ko na sasabihin ang detalye. . . Alam na ni bossing yun.

Maraming nawala, ngunit marami rin ang dumagdag at dumating,

Kaibigan, Gamit at Pag-ibig. . .

Siguro dun lang naman talaga umiikot ang buhay ng tao sa tatlong iyon. . .
Pero sa tatlong iyon nag uugat ang mas marami pang bagay. . .
Kung susumahin siguro ang buhay ng tao, dito pa rin sa tatlong nabangit ang kakalabasan. . .

Pero pinaka matimbang siguro yung huli, kasi dun talaga nag uugat ang lahat. . .

Ganoon lng siguro ang buhay, Para talagang gulong, Minsan nasa taas, minsan naman flat. . .

Pero Serseryosohin ko ang mga sasabihin ko. . .

Kaibigan. . .

Yan ang wag na wag kang mawawalan,
Konti pa ang isang daang kaibigan pero marami na ang isang kaaway, ika nga. . .

Kaibigan, sa taong ito natutunan ko kung papaano magpahalaga sa kaibigan, natutunan ko ring i categorize ang mga kaibigan sa mga kakilala lang. . .

akala ko kasi dati na pag kakilala mo na eh ibig sabihin kaibigan mo na. . .

Iba pala iyon, ibang iba ang friends sa acquaintances. . .

para sa akin may tatlong klase ng kaibigan


~ Totoong Tunay na Kaibigan

~ Close Friends

~ Kaibigan/Katambay/Kausap

Di ko na kailangan pa ipaliwanag ang pinagkaiba ng isa sa iba. . . self-explanatory na to kumbaga. ang masasabi ko lang iingatan mo yung naunang dalawa kasi yun naman talaga ang importante, yung pangatlo depende na sa iyo. . .

Sa larangan naman ng Edukasyon, Di pala magandang ideya ang hindi mag review (hehe) kailangan din pala ito kahit, saglit lng, ugaliing mag review habang maaga, ugaliing ding gawin ang mga report bago ang deadline, para di na mag Cram at mas maraming free time na matira, kasi mas time consuming pag cramming. . .

Sa larangan naman ng pag ibig,

Walang masama na magkagusto sa isa, ang masama lang eh yung masaktan ka na wala ka namang karapatang masaktan, mag-hinanakit ka ng wala namang ginagawa ang tao sa iyo ...

at una sa lahat, MAG-TANONG if necessary. . . magtanong ng mahahalagang impormasyon, mga tanong tulad ng . . . (May Boyfriend/Girlfriend ka ba ngayon? Pwede ba akong manligaw? Kumain kana? Gutom ka ba? Pagod ka na? Ok lang ba? Ok ka lang ba? atbp.) mga tipong ganun. . . Kasi pag di mo natanong ang mga bagay na yun. . . may malalang consequence na pwedeng mangyari at ikaw din ang kawawa. . .

Sabi ko nga sa kaibigan kong bonsai

"Ok na yung mag mahal ako kahit di niya ako mahalin pabalik" sabi naman niya "masyadong over rated yung ganong principle"

Tama nga naman in a way. . .

Tao tayo kahit papaano may gusto rin tayong maramdaman kahit maliit na pagtingin. . . kahit ga-atom pa ang liit nyan. . .

Sa taong ding ito Marami din akong nadiskubreng talento. . .

Talent ko pala umubos ng lagpas sampung kape sa isang araw (10+ kapag may lamay)
Pwede pala akong maging baseball pitcher (hmmm. . .)
Kaya ko palang matuto sa simpleng pag tingin lng. . . ( Hmmmm x2)
Kaya ko pala mag hintay ng 12 oras para lang sa isang taong mahalaga sa akin ( abahhhhh. . .)
Kaya ko rin pala magparaya (. . .)
Kaya ko parin pala mag mahal (ayun emosyonalistics pwede na sa olympics)

At marami din akong nadiskubre sa sarili ko. . .

Kaya ko pala magpatawad ng sobra. . .
Kaya kong makita ang kabutihan ng tao kahit napaka tarantado niya. . .
Kaya kong baguhin ang mood setting ng isang lugar (depende kung gusto ko)
Kaya kong gumawa ng paraan para mapalapit sa isang taong mahirap lapitan. . .
Kaya kong magpasaya. . .
Kaya ko rin magpaiyak (kahit di ko alam na kaya ko)

Atbp. . .

Anu pa ba. . .

Nautunan ko na napakahalaga ng malinis na tubig sa isang bahay,
. . . na mas marami kang malalaman sa ibang tao kesa sa sarili mo lang
. . . na walang kwenta ang malamig na kape (tadhana ng kape na maging mainit)
. . . na pumili ng quality over appearance, quantity and the facade of things
. . . na lahat nagagawan ng paraan para maging positibo
. . . na ang lahat ng bagay ay may hanganan, kahit ang pagkakaibigan. . .
. . . na mas madaling pakisamahan ang mga taong hindi nag tatakong
. . . na maraming kaaway ang buhok ko
. . . na hindi lahat ng nababasa mo ay dapat mong paniwalaan
. . .na hindi porket galing sa internet ay totoo.
. . .na masama maglakad sa glorieta kung tatanga-tanga ka at masasapul ang (yahoo) mo sa railing sa gitna ng daan. . .
. . .na masarap mahalin ang bespren mong babae
. . .na magregalo ng mga bagay na gawa mo
. . .na gumawa ng tsokolate
. . .na wag mahiya hangat wala kang masamang ginagawa
. . .na walang kasing sarap ang balikan ang mga lugar ng iyong pagkabata
. . .masaya sa karnabal
. . .kailangan laging may suot na salawal
. . .intindihin muna ang sitwasyon bago umepal


marami pa akong na diskubre sa sarili ko. . . ganoon pala pag lumilipas ang taon at panahon, nadadagdagan at nababawasan, pero di tayo nawawalan ng matututunan. . . di mo pwedeng sabihing ganap ka na sa kasalukuyan. . . siguro masasabi mo lang na ganap ka na , kung may naiwan kang bakas sa mundo, yung tipong di basta basta kukupas at makakalimutan, yung tipong nakagawa ka ng isang malaking epekto na makakagawa pa ng iba pang malaking epekto. . . kapag nakapagsindi ka na ng apoy na maglilihab kahit wala ka na. . .habang lumulutang ka papalayo sa katawan mo at nagawa mo na ang mga ito. . . saka mo lang masasabing naging ganap kang tao.

Taong ika dalawang libo't siyam. . .

Isa nanamang pahina sa buhay ko. . .
Pag-iisipan kong mabuti at iingatan ko ang pag gamit ng tinta, lapis at pambura sa buhay ko. . .

Pero kahit kailan di mawawala ang kreyons ko. . .

+ Strive to be happy +

Tuesday, December 23, 2008

SEMI-IREVERSIBLE

Sana di na lang kita pinakawalan,
Sana'y di na na atat,
Gumanda ka nga,
Pumangit ka naman,
Sarap mo tuloy batukan,
Hmmmp!
Nakakainis ka,
Bakit ka kasi natulog sa proseso,
Yan tuloy nabulilyaso,

Hayyy. . .

Tanginang buhok to. . .
Gagong gupit amputa,
May pa hair-spa hair-spa ka pang nalalaman,
nag conditioner ka nlng sana. . .
Tanga. . .

Sunday, December 21, 2008

Buod

Mga Words of wisdom ni Master Bob. . .

1. “Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya…”


2. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”

3. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

4. “Huwag na huwag kang hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

5. “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ang sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

6. “Kung maghihintay ka lang nang lalandi sayo, walang magyayari sa buhay mo… dapat lumandi ka din.”

7. “Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

8. “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga
kundi pagkukusa.”

9. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may
mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka… kaya quits lang.”

10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi
hindi ka naman mgmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

11. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang Friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”

12. “Huwag magmadali sa lalaki o babae. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa maganda o nakakalibog ito. Totoong mas maganda ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.”

13. “Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa ring maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”

14. “Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw ang yung bida sa script na pinili nya.”

15. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap muli ang taong tinalikuran mo.”

16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa sa isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.”

17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan.”

18. “Kung nagmahal ka ng taong hindi dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo.
Ngayon kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit?
Utang na loob! Wag mong isisi sa body organ mo ang mga sama ng loob mo sa buhay. Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!.”


19. “Ang pag-ibig parang imburnal… nakakatakot mahulog… at pag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka…”

Thursday, December 18, 2008

Sustantivo

Minsan pakiramdam ko ako'y ganito,
Lumulutang sa harap mo,
nakikita ko ang bawat kilos mo,
sumisingit sa bawat kumpas ng katawan mo...

pero miserable ako kung tutuusin,
dahil kahit nasa harap mo na, di mo parin pansin.
kahit nasa paligid na ng iyong labi sa loob ng iyong katawan,
di mo parin ako ramdam. . .


mahapdi sa balat ang napapanahong hamog,
bumibilis tuloy ang puso ko sa pas-pasang pag-kabog,
di ko rin malaman kung bakit ganito ang panahon,
sa huli mo na mararamdaman ang kagat ng ginaw,
para bang sabay mo akong pina-titigas at tinutunaw.

Sana kahit paminsan ay makita mo ako,
ituring na isang elementong bumubuhay sa iyo,
kahit di mo kita, sana kahit papano'y alam mong andyan,
bumubulong sa iyong tenga ng mga mensaheng di mo maintindihan.

Kailangan ko nang umalis sa ganitong sitwasyon,
Tao ako di ako hangin. . .
kahit papaano kailangan ko rin ng atensyon. . .

Wednesday, December 17, 2008

DIRECTIONS



. . . Getting lost, is the only way to be found . . . Or the other way around. . .

Losing my Religion

"Oh Lord, give me the patience to accept the things I cannot change, the courage to change the things I can, and the wisdom to know the difference."

I am not being a goody-goodie preacher here, I just appreciate this quotation so much. . . I was born. Catholic. . . tenent. . . the usual "endanemopdapader" things and rituals. . . I was always brought to Church every Sunday when I was a kid, Church for me is wall-fans, long-benches, soft kneeling-bars (if that's what they call it), angel statues holding a sink, boring sermons and the like. . . But I like churches, they are very solemn places where you can relax, pray (or pretend to) very artistically designed buildings/structures, built to last. But the sermons. . .

If only The Almighty could comment to his priestly minions. . .
OLMAYTI: ENERGY!!! Lame douche bags. . . But this particular. . . very particular sermon was tattooed on my mind. . .
If you hold on to a thing with both hands how could you catch the better things that are bigger and better and good for you?. . .
Kung nakahawak ka sa iisang bagay ng mahigpit gamit ang dalawang kamay mo, papaano mo masasalo ang ibang bagay na ibinibigay sa iyo?
and that was it. . . after that sermon every good things happened to my life. . . good or bad, but they contributed a lot to who I am now, co'z letting go could make or break the butterfly effect. . . we all have a choice. . . but most of the time it's better to let go of the things that is out of our control. . .



Tuesday, December 16, 2008

A letter to heaven. . .

. . . do you know why devils are so admired? ..its because they know how to fight even though they are doomed to fall . . .

Sunday, December 14, 2008

[]-[]________

Ilang recess na ang tiniis para lang ma-angkin ka,
para kahit papaano marinig ko ang kargada mong musika,
halos mahilo sa gutom at mamilipit sa kalam ng tyan,
matatapos lang ang pinitensya ko pag alam kong ikay nandyan.

Simple lang naman ang gusto ko,
kahit di totoo,
kahit di tulad ng iniisip ng iba,
basta't alam kong kaya mo akong pasayahin,
kahit sa mga oras na akoy mag-isa,
masasabi kong tayong dalawa ay iisa.

Alam kong paminsan-minsan nananahimik ka,
kahit papaano nauubos din ang iyong baterya,
kaya sa mga oras na tahimik at kailangan kita,
wala akong magawa kundi titigan ka,
gawing salamin upang makita ang sariling mga ngiti at saya.

pero ngayong putol na ang isang linya,
para bang di kumpleto ang saya.
ngayong sira na,
tinititigan nalang kita. . .
di sigurado kung gagana pa. . .

iniisip. . .
kung dapat pa bang buuin ka. . .


Strike two. . .

Don't assume or you'll regret it,
if you want everything to end,
just go preach it,

Just try. . .
reveal my secrets,

empower your lies,


I'm tired of this stupidity,
I made it clear to you that friendship is all about longevity,
Of trust,
Of respect,
Of understanding and most of all of Principles and boundaries. . .

As simple as that.

Nothing more nothing less. . .

I drew this line before,
so visible it's obviously seen by all.
Why do you keep on ignoring it,
your oh so lame excuses, your not a kid.


Read this and get mad. . .
Snob me in the hall. . .
like what you did before. . .
you know what comes after two. . .

Don't let the third strike come for you. . .

Wednesday, December 10, 2008

Enigmatic. . .

This lady in the hallway,
she always summons this unfathomable sighs,
this stealthy frowns,
hidden beneath her icy crown. . .

Mystery. . .

She's so mysterious in ways that Even I cannot anticipate,
In a language that I can't communicate,
In motions where I was left frozen. . .

From boring grasses to Green leaves,
to Purple petals and now this. . .

Mystery. . .
Your mystery. . .
I dig your apathy. . .

Only to find out your mystery was all along my. . . .




Misery. . .

Sunday, December 7, 2008

Awakening. . .

They said that it is possible for someone to wake up one morning and not feel the same way they felt yesterday, for that special someone, for that only thing, for that something. . .

Gone. . .
Totally forgotten. . .
Erased. . .

like dusts in the wind,
like sand in your palms,
like water in your hands. . .

only difference is that they disappear without logic,
without explanation,
without reason. . .
like evaporation but without any other formation. . .

Non-existent. . .

And if one day I woke up and forgot about you

then i'll go back to sleep. . .
for days,
or months,
years or decades,
centuries or milleniums. . .
I'll Hibernate. . .


just to remember the feeling. . . that feeling that once made me want to live. . .
that some thing i'd die for. . . that reason that i'll be a fool for. . .



If all else fails. . . just dont wake me anymore

Monday, November 10, 2008

Over-Decaffeinated People

Placebos. . . Placebos. . . Placebo effect. . .

When will it end?

I have returned to my old past time favorite. . . COFFEE . . .

For weeks I've been drinking coffee to soothe my morning sickness and to be more than awake in front of the PC. forty days and forty nights. . . err. that was my routine coffee in the Morning. Until we went to the grocery to refill that dying jar of coffee. . .


I noticed that my Mother bought "DECAF" and I asked her if i could buy a separate coffee but with caffeine on it. . . she said OK. . . and asked her again. . .

"Is that DECAF in our cofee jar all this time?"

"YES"

. . . The whole universe spun around me in a hazy and purplish kind of way like emploding and exploding at the same time, like being sucked in a black hole then suddenly finding my self in disbelief at the center of the grocery store. . .

A big "?!!" was in my thought bubble. .

and that was me. . . Scared, Paralyzed, Betrayed. . .


All this time I believed that that coffee helped me to stay up in the oddest hours of the morning. .
All this time I believed that that cup of coffee helped me keep my sanity and my self in place. . .


The mind is tricky. . .
What you believe is what you see. . .
What you believe is what you feel. . .
What you believe is what you are. . .
What you think you put in your mouth makes you stronger. . . but in reality, if it's DECAF. . .

you're a fucking loooooooooooooooooser...