Ilang recess na ang tiniis para lang ma-angkin ka,
para kahit papaano marinig ko ang kargada mong musika,
halos mahilo sa gutom at mamilipit sa kalam ng tyan,
matatapos lang ang pinitensya ko pag alam kong ikay nandyan.
Simple lang naman ang gusto ko,
kahit di totoo,
kahit di tulad ng iniisip ng iba,
basta't alam kong kaya mo akong pasayahin,
kahit sa mga oras na akoy mag-isa,
masasabi kong tayong dalawa ay iisa.
Alam kong paminsan-minsan nananahimik ka,
kahit papaano nauubos din ang iyong baterya,
kaya sa mga oras na tahimik at kailangan kita,
wala akong magawa kundi titigan ka,
gawing salamin upang makita ang sariling mga ngiti at saya.
pero ngayong putol na ang isang linya,
para bang di kumpleto ang saya.
ngayong sira na,
tinititigan nalang kita. . .
di sigurado kung gagana pa. . .
iniisip. . .
kung dapat pa bang buuin ka. . .

No comments:
Post a Comment