Minsan pakiramdam ko ako'y ganito,
Lumulutang sa harap mo,
nakikita ko ang bawat kilos mo,
sumisingit sa bawat kumpas ng katawan mo...
pero miserable ako kung tutuusin,
dahil kahit nasa harap mo na, di mo parin pansin.
kahit nasa paligid na ng iyong labi sa loob ng iyong katawan,
di mo parin ako ramdam. . .
mahapdi sa balat ang napapanahong hamog,
bumibilis tuloy ang puso ko sa pas-pasang pag-kabog,
di ko rin malaman kung bakit ganito ang panahon,
sa huli mo na mararamdaman ang kagat ng ginaw,
para bang sabay mo akong pina-titigas at tinutunaw.
Sana kahit paminsan ay makita mo ako,
ituring na isang elementong bumubuhay sa iyo,
kahit di mo kita, sana kahit papano'y alam mong andyan,
bumubulong sa iyong tenga ng mga mensaheng di mo maintindihan.
Kailangan ko nang umalis sa ganitong sitwasyon,
Tao ako di ako hangin. . .
kahit papaano kailangan ko rin ng atensyon. . .
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment