Thursday, January 3, 2008

Sa Palengke

Tandang-tanda ko pa noong bata ako, madalas akong kasama ng lola ko sa palengke,
siya namimili ng kung ano-ano at ako naman tong kanyang sidekick na nakabuntot palagi,
dadaan kami sa makikipot na daan ng DIVISORIA o di naman kaya sa PAJO market, depende
sa trip niya. Sisiksik kami sa mga taong parang langgam na nagkakasalubong sa sikip ng daanan,
unang pasok moy maputik, pag nakasurvive ka sa palengkeng iyon na walang dinadalang putik hangang sa pag-uwi mo isa ka nang MESSIAH.

Sari-saring amoy ang malalanghap may malansang isda, bulok na gulay, amoy ng karneng naka bigti sa mga hook at alambre, halimuyak ng mga kargador at ang overall scent ng palengke.

Lumaki ng ilang sentimetro ang aking braso dahil sa pagbubuhat ko ng bayong ni lola, minsan di ko waring maisip kung makatarungan bang pagbuhatin ang isang "malnourised" na batang tulad ko ng bayong na tutumbas na sa dobleng bigat ng katawan ko. pero ok lang atleast bago matapos ang pamamsyal ng lola ko sa palengke ay ibinibili niya ako ng kakanin at konting laruan o sitsirya na nasa daan.

Sasakay kami sa "OLD SCHOOL" na bisikleta at uuwi sa kaniyang bahay. Doon ko nalaman ang pinagkaiba ng kaliwa at kanan at ng liko dyan sa kanto. ( kung di mo alam kung kaliwa ba o kanan o tinatamad ka lang.)Pagbaba ng bahay isa isang ilalapag sa kalsada ang pinamili namin at babayaran ang bisikleta, bubuhatin ang mga bit-bit papasok ng bahay at i didiskarga isa-isa, pero hindi ko na trabaho yon dahil lalabas na ako ng bahay para makipaglaro sa mga pinsan ko. Pag napagod at nagsawa na sa kakalaro papasok na muli ako ng bahay at kakainin ang mga kakanin habang nakahiga sa sofa at unti unti akong papatayin ng pagod at magigising nalang sa bunga-nga ng lola kong tila BOGA sa lakas na nagsasabing .

"TANGHALI NA BIEN BUMANGON KA DIYAN AT KAKAIN NA TAYO!"
†FIN†

No comments: