Thursday, January 3, 2008

Sa Kalsada

San diego. . . Subdivision

Iyan ang Street namin ng mga pinsan ko. teritoryo namin ang buong kalsada,
Dito ako lumaki at natuto kung papano maging bata. Di mawawalan ng nagtataya-tayaan,
nagpapatintero, nagdadampa, nag chi-chineese garter, nag Po-pog, Nag te-text (yung cards wala pang cellphone nun.) at nagtutumbang preso.

Meron ding mga tambay na nagbabasketball, mga adik na nagkakara krus, mga mamang nag iinuman at mga nanay na nag tsi-tsismisan.

Tipikal na kalsada ang San Diego, kung saan makikita mo ang sari saring tao.

Mayaman, Mahirap, Mahirap na mayaman at Mayamang mukhang mahirap.

Tandang tanda ko pa noon ang almusal ko ay cheesebread at fruit juice, minsan bibili ako ng monay sa tindahan at palalagyan ko ng peanut butter na palaman. Sa puno naman kung saan sinusungkit ko ang di mabilang at nagpupulahang alatiris at pag nakarami isa isa itong sisipsipin pero mas masarap sipsipin ang alatiris na binabad sa tubig at pinalamig sa freezer may halong tamis at kilig. dito rin sa Caloocan ko natikman ang
mapait at malagkit at lasang ewan na HAIRGEL. . . ewan ko kung bakit ako nakakain ng hairgel noon. Kala ko kasi nung bata ako lahat ng makulay ay masarap, hindi pala.

Doon ko rin natutunan mag bisikleta at mapadpad sa kung saan-saan, Mamingwit ng butete at manungkit ng mga alatiris. Masaya kaming magpipinsan dahil sa harap lang ng bahay ng mayaman kami ng pi-picnic... ang ganda kasi ng hagdanan niya gawa sa marmol at makikinis na bato, dun namin nilalatag ang mga gamit na dyaryo at mga plati platito, maghihiwa ng mga pastilyas at keso mga tinapay at red balls, pagsasalusaluhan namin to tapos pag may natira itataob namin ang sidecar at gagawa ng stall ng tindahan... kung saan sisingilin namin ang mga batang paslit ng dos at piso sa bawat hiwa ng pastilyas at yema.

Namimiss ko na ang munting lugar na iyon sa Caloocan. Kaya laking paninibago ko nung lumipat kami ng Cainta noong bandang 1998. Walang kakilala at kinakailangan pang maghanap ng mga bagong kasama at kalaro, nakakalungkot pero wala akong magagawa.

nagpapasalamat nalang ako na atleast naranasan ko kung pano maging tunay na bata.

Nalilipasan ng gutom, nagiging burot sa patintero, natatakot sa mga manananggal at sa mga bumbay, hinahabol ng walis tingting o walis tambo, nahuhulog sa kanal, hinahabol ng mga asong askal, nasasagasaan ng jeep na dumadaan, at ang da best ay maging leader ng magpipinsan at ako lagi ang bidang si RED 1!

No comments: