Wednesday, January 1, 2014

CREDO ~2013~

2008 ako nang huling gumawa ng aking credo. 5 years ago.

at para sa taong ito mas paiikliin ko nalang ang credo ko.

- Di mo kailangang ipilit ang paniniwala mo sa ibang tao.
- Nalulutas ang karamihan ng problema sa pamamagitan ng negosasyon.
- Lahat ay nakasalalay sa mindset mo.
- Failure and Sucess are intrinsic.
- Masarap makinig ng Audiobook habang nasa biyahe.
- Learning to guage our mood is a must.
- Maraming principles and theories ngunit lahat ito ay may kanya-kanyang application.
- Masarap makatapos ng pag aaral.
- Mahalin mo ang iyong ina, asawa.
- Mahalin mo lalo ang iyong anak.
- Magpasalamat.
- Maging ambisyoso. walang masama roon.

Sunday, January 10, 2010

Weaklings

Mahina lang ako,
Sana alam mo.

Dati na akong basag,
Sana wag mo na akong lamatan.

Dahil mabilis akong matunaw,
Mabilis akong malabnaw,
Mabilis akong sumingaw,
Mabilis akong Magunaw,

Wag mo nang sirain ang ulo ko,
Wag mo nang pigilin ang mundo ko,
Wag mo nang habulin ang tren,
Dahil wala nang pasahero dito. . .

Friday, November 27, 2009

REFILL

Ngayon nalang uli ako nakapagsulat sa Papel na to. . .

Matagal na ring nagbara ang panulat ko. . .

marahil dahil wala akong insipirasyon sumulat o simpleng tinatamad lang ako mag-sulat,
at madalas ay pakiramdam ko wala ring patutunguhan ang mga drafts na nipon ko. . . kayat naka-imbak lang sila sa kung saan mang kahon sila nakalagay.

Isa lang pala ang solusyon sa nagbabara at nagtataeng bolpen. . .

bumili ka ng yakult. . .

Basahin lahat ng instruction at nutritional facts nito,

buksan at ilubog ang bolpen hangang sa bumalik ito sa normal na pagsulat. . .

Errr. . .

CHAPTER NEXT

NAGTAE ANG BALLPEN KO. . .

PERO SA PAGKAKALAT NIYA, NADISKUBRE KUNG ANONG TOTOONG KULAY NYA. . .

HINDI SIYA ITIM. . .

PINILIT KO LANG PALA SIYANG MAGING ITIM. . .

...Whatever that means

Tuesday, April 21, 2009

UNJUSTIFIED



Unbreak all that was broken,
to fix a heart that is already numb and swolen,


create a new life without a shadow to step on,
to be strong and to get trough with no one to lean on,


see the weakness of darkness,
be consumed by the blinding light,


to live beside you faithfully,
to be a realist in the world of the finite. . . . .

Sunday, April 19, 2009

Eitherway

.
When you're longing for what is missing,
and missing what you've been longing. . .

Saturday, April 18, 2009

FACTUAL FICTION

Bakit maganda ang boses ng tao sa banyo?

DE LATA

"Pasensya na mahal kung ako'y kakapusin"
madalas iyan ang naririnig mo sa akin,
wag mo sanang isipin ikaw ay gagamitin,
kahit di man kita mapakain sa mga restoran sa iyong paligid,
bubusugin naman kita ng aking pag-ibig. . .

Pasensya na mahal kung wala na akong pera,
pero wag kang mag-alala dahil lagi kong ipararamdam sayo ang saya,
kahit ang ulam natin sa araw-araw ay laging de-lata,
sasahugan ko naman ito ng pag-ibig at pagkukusa. . .

Pasensya na mahal kung ganito lang ako,
isang simpleng estudyanteng nagmamahal sa iyo,
malipasan man ng gutom at ipunin paunti-unti ang baon,
ububuhos ko naman sa iyo ang oras at panahon. . .

Pasensya na mahal kung ngayon ko lang nasabi,
ang mga salitang di maitulak ng aking labi,
lilibutin natin ang malawak na hardin,
isuot mo lang ang puso ko, sapat na ito sa akin.

Saturday, March 28, 2009

TALKIES

Ganito ako,

Kulong sa sarili kong mga salita,
Alipin ng aking paghilata,
Mga nabibitawang talata,
Mga sumpang bigla nalang malilimutan
bigla nalang mawawala. . .


kung magpapatalo lang ako sa aking antok,

at kung aagahan ko lang ang aking pag bangon,

kung hawak ko lang ang baterya ng orasan ng kalawakan,

at kung mahihigpitan ko lang ang turnilyong nakabaon sa aking sintido. . .

saan naman kaya ako matatagpuan?

Wednesday, March 25, 2009

THE MARGINS

I watched you out there with my eyes closed,
I felt you somewhere beside the silhouettes and the shadows,
You remained a mystery to me even today,
Questioning the wind and saying "come what may."

If I lay in the grass and feel the coldness of the dews,
And if I wet my Clothes and my shoes,
I'll sleep amidst the silent tunes of the whispering blades,
and feel the warmth of your promised place. . .

And for now I'll sleep with eyes wide shut,
And for tomorrow I'll still think about the flaws,
remembering that It'll perfectly follow your plans and laws,
Putting in mind the simplicity of your demands; the complexity of
our wants; the idiocracy and the logic of your molds. . .

You My Master. . . I'll always behold.

Saturday, March 21, 2009

IN TIME

SOMEDAY YOU'LL HATE ME FOR WHAT I DID,

BUT YOU'LL THANK ME... EVENTUALLY

FOR REASONS, ME , MYSELF, ARE NOT AWARE OF. . .

Wednesday, March 18, 2009

Again

Kailangan ko nanamang pag-aralan ang matulog. . .




...Kaya lang wala akong pang-tuition. . .





. . .Magiging skolar nanaman ako ng pag-pupuyat

MASQUERADE

May mga taong mahirap lapitan, mga taong tipong nakakakabang kausapin, nakaktakot galitin, pero sa kabila ng lahat ng iyon ,may gusto ka paring malalaman. . . kung bakit siya kakaiba. . . kung bakit nahihiwagaan ka sa kanya. Mga taong may misteryosong pagkatao, idikit mo man siya sa iba, alam mo paring wala siyang kategorya. . .

Pero pag may kasama na silang iba, batid mo ang sinusuot nilang maskara,
kulay puti at mga bibig na mapupula,
pinipintahan ang mukha at naglalagay ng peluka,
iguguhit niya ang kaniyang ngiti,
sabay haharap sa tao. . .

Di mo alam kung paano siya nagiging masaya sa mga ginagawa niya,
Kung paano niya sinasabayan ang sayaw ng madla,
kahit wala na sa tono ang tugtugin at wala na sa tamang pwesto ang kaniyang mga paa,
Alam niyang nakatingin ka sa kaniya. . . Kahit sa paligid nila'y ipinipilit niyang tumawa,
halakhak sa bawat nakatagong luhang pumapatak, kung anong kurba ng mata niya kapag nakatawa ay siyang korte ng kanyang lungkot kapag lahat ng tao'y tulog na. . .

Di kita makuha na mag-isa
Kaya't lapitan kay di ko magawa,
ayokong tignan ang pinintahan mong mukha,
dahil alam kong sa loob-loob mo'y gusto mo nang makawala. . .