Wednesday, March 18, 2009

MASQUERADE

May mga taong mahirap lapitan, mga taong tipong nakakakabang kausapin, nakaktakot galitin, pero sa kabila ng lahat ng iyon ,may gusto ka paring malalaman. . . kung bakit siya kakaiba. . . kung bakit nahihiwagaan ka sa kanya. Mga taong may misteryosong pagkatao, idikit mo man siya sa iba, alam mo paring wala siyang kategorya. . .

Pero pag may kasama na silang iba, batid mo ang sinusuot nilang maskara,
kulay puti at mga bibig na mapupula,
pinipintahan ang mukha at naglalagay ng peluka,
iguguhit niya ang kaniyang ngiti,
sabay haharap sa tao. . .

Di mo alam kung paano siya nagiging masaya sa mga ginagawa niya,
Kung paano niya sinasabayan ang sayaw ng madla,
kahit wala na sa tono ang tugtugin at wala na sa tamang pwesto ang kaniyang mga paa,
Alam niyang nakatingin ka sa kaniya. . . Kahit sa paligid nila'y ipinipilit niyang tumawa,
halakhak sa bawat nakatagong luhang pumapatak, kung anong kurba ng mata niya kapag nakatawa ay siyang korte ng kanyang lungkot kapag lahat ng tao'y tulog na. . .

Di kita makuha na mag-isa
Kaya't lapitan kay di ko magawa,
ayokong tignan ang pinintahan mong mukha,
dahil alam kong sa loob-loob mo'y gusto mo nang makawala. . .

No comments: