"Pasensya na mahal kung ako'y kakapusin"
madalas iyan ang naririnig mo sa akin,
wag mo sanang isipin ikaw ay gagamitin,
kahit di man kita mapakain sa mga restoran sa iyong paligid,
bubusugin naman kita ng aking pag-ibig. . .
Pasensya na mahal kung wala na akong pera,
pero wag kang mag-alala dahil lagi kong ipararamdam sayo ang saya,
kahit ang ulam natin sa araw-araw ay laging de-lata,
sasahugan ko naman ito ng pag-ibig at pagkukusa. . .
Pasensya na mahal kung ganito lang ako,
isang simpleng estudyanteng nagmamahal sa iyo,
malipasan man ng gutom at ipunin paunti-unti ang baon,
ububuhos ko naman sa iyo ang oras at panahon. . .
Pasensya na mahal kung ngayon ko lang nasabi,
ang mga salitang di maitulak ng aking labi,
lilibutin natin ang malawak na hardin,
isuot mo lang ang puso ko, sapat na ito sa akin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment