youre not ready to be seen,
sitting there, waiting. . . hiding
wondering am I to be read or to be kept?
am I worthy being seen or im better off to be left unsaid...
unread. . .
Or maybe youre just another comic strip inside my bubble gum. . .
Friday, May 23, 2008
Thursday, May 22, 2008
SA UDI
Pagod na tayo pero hindi parin tayo makatulog,
lumulutang tayo sa umaapaw na dagat ng pag-iisip;
mga pangyayari at mga maaring mangyari,
kung sasabihin ko ba sa iyo, pakikingan mo?
kung marinig mo ito, maiisip mo ba?
Di kita pipilitin sa kung anumang gusto mong gawin,
kung meron mang dahilan, ikaw lang ang nakakaalam.
alam mo naman ako, walang pakielam.
sila meron, dahil alam nila ang pakiramdam noon.
isa lang ako sa mga taong wala sa posisyon. . .
manghusga. . .
hindi ko alam kung ano ba ang dapat paniwalaan. . .
wala naman sigurong dapat panigan.
mananahimik nalang siguro ako sa isang tabi at oobserbahan ang mga pangyayari. . .
kung tama man o mali ang aking ginagawa,
hayaan mong ako na ang magkasala.
ayoko lang mapinsala at makapaminsala. . .
Magkadugo tayo pero hindi magkaisip,
Magkapatid tayo pero sa mga pangyayari't mga nangyari. . .
ako ang lagi mong napapatid.

Thursday, May 15, 2008
-_-
Matulog ka. . .
Matulog ka ng mahaba. . .
Mahabang-mahaba. . .
Pag gising mo. . .
Unti-unti mong imulat ang iyong mga mata. . .
Isipin mong isang mahabang panaginip lang ang lahat. . . .

Tuesday, May 13, 2008
POV
Iba ako, Gayahin mo man, hindi mo mababasa ang naiisip ko,
tularan man walang lalamang at magkukulang sa akin.
Iba ako, Iba sa iyo, Iba sa lahat ng tao. . .
Wala akong pag-papangap, wala akong tatak,
Isa lang ang meron ako,
Ang ako na nakikita mo,
Ang ako na nababasa mo,
Ang bawat letra sa mga sulat,
Ang bawat boses sa mga salita,
Ang bawat pamagat sa kwentong sumisiksik
sa mga eskinita at distrito ng utak mo,
at sa bawat kanto ng pangunawa mo.
ako ang interpretasyon mo.

Saturday, April 26, 2008
Reflections
Noticing a big percentage of angst in my writings. . . I can't help it. I guess we are just a part of what we write. I am a part of what I write.
Friday, April 25, 2008
Thursday, April 24, 2008
Backtrack
Bata ka pa noon.
Lubos kang nagagalak sa paglalaro sa kalye, minsan sa buhay mo naisip mong madali lang lahat.
Magigising ka sa bawat umaga laro at eskwela lang ang trabaho mo sa mundo,Kasabwat mo ang mga batang walang magawa sa kalye ng San Diego, Bihasa ka sa pagtuklas ng mga bagong uso at pag sipat ng tsinelas sa lata ng tumbang preso. . .
Preso.
Preso ka ng mundong masaya. Nanaisin mong di kana makawala sa walang humpay na ligaya. Wala sa bokabularyo mo ang lungkot at pag-aalala, ang alam mo lang iyakan ay ang sugat mo mula sa pagkakadapa, at pag nakita ka ng madla pinipilit mong tumayo kahit dumudugo ang tuhod mong kinayod ng simento.
Minsan nabasa ko, yung mga tao daw na nagsisisi sa buhay nila ay yung mga taong nais uling maging bata, pero kawawa yung mga taong nagsisi sa buhay nila at di nakaranas ng masayang pagkabata. . .
Hindi mo masisisi ang panahon at lalong hindi mo na mababalikan ang nakalipas at ang mga naglaon. Para bang tinraydor ka ng orasan, bigla mo nalang malalamang ika-labing isang kaarawan mo na kinabukasan.
Kahit pilitin mo alam mong di mo na maiilagan, pag tumama na sayo ang sibat ng kapalaran.
haharap ka sa salamin pero kailan mo ba huling sinilip ang anino mo? di mo lang napapansin pero lagi siyang nakatingin sa iyo. . . Unti-unti kang kumukupas, pero lalo lang nagiging malinaw at malalim ang tinatapakan mo.
Bakit nga ba hinihipan ang kandila tuwing kaarawan. . . alam mo namang pareho lang kayo ng magiging kapalaran.

sa isang iglap.
Silence
It's been weeks since I last posted something here. . .
I'm not busy neither out of stories or anything to post, it's just that I am lacking the motivation to write. . .
I am chemicaly imbalanced inside. . . I have to put the equilibrium back.
Tuesday, April 15, 2008
REFRACTION
Ilang beses niyang tinangkang mag bago, Di lalagpas ang isang taong di niya inuulit ang plaka sa utak niya, kahit pudpod na ang makina. Mga pangyayaring naganap sa buhay niya,
mga pangyayaring di niya inaakalang siya ang nagiisang may pakana, sa mga alitan at pag-papangap na siya'y totoo sa sarili niya, ngunit rinig na rinig niya ang dumadagungdong na pagpupumiglas ng katotohanan sa kaniyang pagkatao.
Pinuksa siya ng sarili niyang mga plano, ng pag-ibig, galit at salitang akala niya'y makakapagbago ng takbo, ng pag-lukso ng kapalaran niya, ng mga aninong pilit na humihigop sa mga liwanag na nabubuo niya.
At sa huling sandali tinangka niyang muling sinagan ang mga multong pilit na humahatak sa kanyang mga pangarap, mga panaginip at ang miserableng gabing bumalot sa kanyang nabuong daigdig.
Doon sa tuktok ng kanyang mga mithiin, pilit niyang minumulat ang kaniyang mga matang pinupuwing ng mga abong galing sa bibliya ng pagkakamali niya, lumalabo ang kanyang mata ngunit tumatalas ang kaniyang pandinig, naririnig niya ang sigaw ng kaniyang anghel na minsay nagmulat sa kaniya upang magkaroon ng saysay ang lantang buhay na sinubukan niyang diligan at bigyan ng kabuluhan.
tinibayan niya ang kanyang bawat yapak, hinawi ang abong nagiging mga ulap, hinugot ang huling hininga at sinubukan niyang isigaw ang pangalan ng anghel . . .
Ang alingaw-ngaw ng kaniyang sigaw na minsan na niyang ibinulong sa mga ulap ng gabi, minsan nang narinig ng buwang pilit na nagtatago sa kalawakan. . . na minsay gimising sa natutulog na diyos. . .

Camille
Sunday, April 13, 2008
Thursday, April 10, 2008
On The Unseen
†
We can't have full knowledge all at once. We must start by believing; then afterwards we may be led on to master the evidence for ourselves. - Saint Thomas Aquinas"
Subscribe to:
Posts (Atom)