Friday, April 4, 2008

SUN SILHOUETTE


Kung pwede lang. . .

Kung pwede lang tapakan ang araw,
mapigilan ang pag sikat ang paglubog nito,
tapakan ang pagusad ng panahon,
mapigilan ang salitan ng liwanag at dilim,
Kung pwede lang gawin ang mga ito. . .
Sana nandito ka parin,
Sana nandoon padin ako.

On Walking away

"...Walking away does not mean you are weak. Sometimes walking away is the braver and more difficult thing to do.

Someone once told me that men and women of character know when to walk away and when not to take less than what they deserve. True, it is always better to know your worth before you allow yourself to be dragged into the false promises of power, fame and money.


Walking away does not mean turning your back at an opportunity for the rest of your life. Sometimes, it is just taking a stand and not settling for less than what you deserve. Or it can simply be taking a good break and reinventing yourself for that bigger and better comeback...."


~

Ogag

Kung wala lang sanang boundary ang mundo hindi na sana sasama ang loob ko.

Wednesday, April 2, 2008

I Dare you to move



"When was the last time you tried something for the first time?"


Tuesday, April 1, 2008

Momentum Interruption

Isang araw parang biglang mawawala lahat ng gusto mong mangyari. . .
Isang araw parang ang wierdo dahil di mo alam kung bakit ka nandoon. . .
Isang araw parang nakakapanibago. . . dahil parang hindi ikaw ang ngayo'y ikaw. . .
Bigla nalang lalabo ang lahat at . . . masusuya ka.

Saturday, March 29, 2008

Corruption Charm

...
"The bad guys win until they don't."

Sa Pulubi

Ikaw nanaman,
Sa umaga kung saan ang mga tao'y walang pakielam sa paligid,
Mga taong diretso ang paglakad para tuparin ang walang kabuluhan nilang
pangarap at panaginip,
Nandoon ka't nakaluhod hawak mo ang basong iyong napulot.
Sa bawat patak ng barya na iyong nakukuha. . .

Sumasaya ka ba?

Madadaanan nanaman kita,
Titignan at isasawalam bahala,
Bakit ba ako magbibigay?
kung makikita rin lang naman kita dito habang buhay?
Luluhod sa araw-araw at maghasik ng kaawa-awang mukha,
Ngiting pilit na iyong isinusukli upang ang gutom at kahirapan mo'y mapawi.

Bakit kita bibigyan?
Kung susustentuhan ko lang ang kahirapan mo upang mas lalo kang maghanap ng
mga bagay na lalong magpapahirap sa iyo?

Aanhin mo ang kakaunting barya na ibibili ng iyong makakain sa isang araw, para mabuhay at
mamalimos sa mga susunod pang araw?


Paulit-ulit, lagi nalang. . .

Bakit ako magsisisi?
Masama ba akong tao para tumanging magbigay ng barya sa iyo?
Bakit ka magtitiis na lumuhod sa isang lugar na kung saan ang mga tao'y naghahanap din ng yaman?
Masama bang tangihan ang konsensya kung alam mo namang tama na paminsay di
tama ang laging ma-awa?

Nanlilimos kaba para mabuhay o Nanlilimos ka dahil pinaniindigan mong wala ka nang pag-asa sa buhay?


Nandiyaan ka parin.
Madadaanan nanaman kita,
Titignan at isasawalam bahala.
Dasal nalang ang limos ko sa iyo,
Bahala na ang Diyos na magbigay awa.

Pungay

Sa pagitan ng mga oras ng alas kwatro at ala-una ng umaga,
kung saan pagod nang magbigay ng sinag ang mga tala,
kung saan gising na ang natutulog na parte ng iyong pag-iisip,
kung saan binabangungot na ng di-mapakaling diwa ang aking mga kamay,
kung saan naglalaro na sa iyong utak ang mga ala-alang matagal na sanang
nawala at nalimot.

Nagbubulakbol.

Ang ispirito ng alkohol na sa utak ay dumadaloy,
lumilibot at lumulunod sa mga panaghoy ng mga nakaraang pagkakasala,
sa sariling selda ng lungkot na iyong nilikha,
doon ako naiwan, nanatili at naniwala.

Nawawala.

Ang dating dampi ng ngiti sa mukha,
unti-unting binubura ng mga upos na nagbabaga,
lumiliyab, umiinit, umuusok at namimilipit.

Itim.

Nabubuo sa ilalim ng mga mata,
mga sintomas ng mabagal na pagtanda,
mabilis na pagkamatay,
at ang pagkabahala.

Lumilipas.

panahon na parang sampaguitang nalalagas,
sa mga poon ng lumang santong di na nabigyan ng panahon,
para luhuran at dasalan,
mga batong bingi sa mga kasalanan.

Dilim.

Paningin,
Mga awit na naririnig sa panaginip,
Lamig ng gabi na aking tatangkilikin,
yayakapin, papatayin at mamahalin.

Wednesday, March 26, 2008

SLEEP AWAKENING




Marami sa kanila ang di-naniniwala. . .
bakit ko sila pakikingan?
Ano ba ang sukatan para magsukat ka ng kakayahan ng ibang tao?
Wala. . . wala. . .

STAG NATION

"All it takes for evil to prevail is for good men to do nothing."

Sunday, March 16, 2008

VN CONVICTION 1:4

"WHAT YOU BELIEVE IS WHAT YOU ARE"
~VN

AMATS

Bumabagal,
Dumidilim,
Gumagaan ang tapak mo sa lupa,
nakakatuwa,
parang sa buwan ka naglalakad,
di mo na alam kung saan ka napadpad.


Tubig,
At Gin,
Demonyong magkaribal,
Sa tiyan ko sila'y nagkaroon ng pwesto,
Umaalon sa aking sikmura't ako'y napapmura,
tang ina! tang ina!


Pagod, Puyat, Antok at Amats,
PAg nagsama-sama, ang sama ng tama,
binabarenang ulo,
at sikmurang bumibigay,
Nahiga sa kama't nahimlay,
Pumikit ngunit ang aking paningin,
umiikot parin sa dilim.




SEMBREAK

Ang pinakaaasam-asam ng isang karaniwang estudyante sa kolehiyo.


Sembreak na, ano bang pwedeng gawin? madami haha! wala akong mapili.
ano ba ang karaniwang ginagawa ko pag sembreak? NERD ako malamang computer.
pero di naman halos, masakit na sa ulo ang liwanag ng monitor. konti nlng magiging sabaw na ang utak ko. kayat habang maaga iniiwasan ko ang addiction ko.

Hmmm.. maraming plano pero di alam kung ano ang uunahin?

TRABAHO? pwede rin. . . kaya lang syempre gusto ko munang enjoyin ang mahabang recess na to.

Girlfriend? Uso pa ba yun?

Swimming? Hmmmmm laos na yun. . .

Out of town? yan ang trip ko. . .

Nakakasawa na ang Maynila, gusto ko mapunta sa mga lib-lib na lugar, gusto ko ngang ma mundok eh pero wala namang plano at bundok na aakyatan.

Hinihintay ko nalang ang birthday ko. may malaki akong plano. pasensya na sa mga kakilala ko hindi ninyo ako makikita sa kaarawan ko. may sarili akong paraan ng pag cecelebrate sa birthday ko. kung ano man yun mga tunay na kaibigan ko lang ang nakakaalam.


Wierdo lang, sobrang init na talaga ng Summer ngayon, habang dumadaan yata ang taon lalong umiinit. parang ang sarap tuloy pumunta sa Baguio, kaya lang walang beach dun. kulang. sawa na ako sa mga tanawin, ayoko ng malamig, gusto ko tama lang, ayoko rin naman ng sobrang init. nakaka nosebleed ang sobrang init.

SEMBREAK na ano ba ang plano?

BICOL. . . yan ang inaabangan ko.

Road-trip,
Yosi-trip,
Laugh-trip,
Trip-Trip,
Wakeboarding,
Barilan,
Helicopter ride,
Jamming,
surfing,
Inuman!

PERFECT!

MASAYANG SEMBREAK TO!