Ikaw nanaman,
Sa umaga kung saan ang mga tao'y walang pakielam sa paligid,
Mga taong diretso ang paglakad para tuparin ang walang kabuluhan nilang
pangarap at panaginip,
Nandoon ka't nakaluhod hawak mo ang basong iyong napulot.
Sa bawat patak ng barya na iyong nakukuha. . .
Sumasaya ka ba?
Madadaanan nanaman kita,
Titignan at isasawalam bahala,
Bakit ba ako magbibigay?
kung makikita rin lang naman kita dito habang buhay?
Luluhod sa araw-araw at maghasik ng kaawa-awang mukha,
Ngiting pilit na iyong isinusukli upang ang gutom at kahirapan mo'y mapawi.
Bakit kita bibigyan?
Kung susustentuhan ko lang ang kahirapan mo upang mas lalo kang maghanap ng
mga bagay na lalong magpapahirap sa iyo?
Aanhin mo ang kakaunting barya na ibibili ng iyong makakain sa isang araw, para mabuhay at
mamalimos sa mga susunod pang araw?
Paulit-ulit, lagi nalang. . .
Bakit ako magsisisi?
Masama ba akong tao para tumanging magbigay ng barya sa iyo?
Bakit ka magtitiis na lumuhod sa isang lugar na kung saan ang mga tao'y naghahanap din ng yaman?
Masama bang tangihan ang konsensya kung alam mo namang tama na paminsay di
tama ang laging ma-awa?
Nanlilimos kaba para mabuhay o Nanlilimos ka dahil pinaniindigan mong wala ka nang pag-asa sa buhay?
Nandiyaan ka parin.
Madadaanan nanaman kita,
Titignan at isasawalam bahala.
Dasal nalang ang limos ko sa iyo,
Bahala na ang Diyos na magbigay awa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment