Nakikita kita't naaalala ko lagi ang barberya at aking pagka bata,
Di malaman ang gupit, at kung bakit pa Bao lagi ang aking ahit,
Walang maisip, walang pinangarap na buhok,
Kung anu lang ang idulot ng gunting, iyon na rin ang aking hubog...
Nang nagkaisip, doon parin sa barberya,
kung saan pauupuin ka sa upuang papatungan pa ng bangkito,
para lang makita ang mukha mo sa salamin,
lilihain ang labaha, sa balat na sinturon na laspag na.
sa musika sa radyo ng barberya nawiwili ako,
kung saan naririnig ko ang linya ng "mga kababayan ko."
nalilimutan ang barberya ang atmospera ng init, pawis at mga buhok na nag liliparan, gumuguhit sa isip ko ang masining na
mga uka sa buhok niya,
bumalik sa katotohanan, at akoy inaahitan, sabay sumbat ng
Gusto ko po yung kay "Francis Magnolia" yung may drowing sa
patilya, tumawa ang barbero't akalay nagbibiro ako, natawa nalang din ang
tatay kong nagbabasa ng dyaryo. . .
di napansin ang aking hiling,
sabagay bata pa lamang ako,
pero alam ko na ang gusto ko,
ang gupit ng isa sa mga iniidolo ko,
di man natupad ang mithiin,
nakamit naman ang kanyang pananaw,
ang makita ang mundo sa kaniyang mga mata,
ang makapagsulat at makalikha ng tugtugin at mga kanta,
doon kung saan bumabaha ng buhok at nagkakaroling ang mga gunting.
tanda ko parin kung saan lahat ito nagsisimula ang iyong ala-ala. . .
sa barberya.
Thursday, March 12, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment