Tuesday, February 3, 2009

UNANG TIPA

Tanda ko pa ang araw na yun 4th year hayskul ako noong una ko siyang nahipo at nahawakan. . .

Panahon kung saan lulong ako sa musika ng Eraser Heads at Rivermaya, ng Yano, Nirvana, Radiohead, System of a down, kamikaze, parokya ni Edgar at nang marami pang banda, mapa OPM man o Foreign music. . .


NAKATUTOK AKO SA MAINSTREAM MUSIC SCENE. . .

SObrang lulong ko di ko namalayan na kung saan-saan na palang gig/concerts ang napupuntahan ko. . . basta libre nandun ako!

kasama kung sino ang kaibigang madampot nakatayo't nakikipag slaman sa mga tagapakinig at mga kapwa kong karaniwang taong gusto lang makinig at mawala sa sarili sa pamamagitan ng MUSIKA. . .

Una siyang pumasok sa isip ko. . . bumilog at unti-unti nang dumikit sa utak ko. . .

Ang INTRO ng 214 at ang music video ng gitara habang tinitipa ko ito. . .

LAHAT yan nangyari sa loob lang ng utak ko.

Kaya sa tuwing nag sisimba kami sa santa lucia paunti unti akong kumikikbak ng pera. . .

mga tipong:

>_< :Nay pahingi ng pera bili lang ako ng merienda. . .

~_~: *dukot ng isang daan* O, balik mo sakin sukli ha. . .

Syempre mabait akong bata kaya ibabalik ko talagang talaga yung sukli. . . (NOT!)

hehe paunti unti nakaipon ako ng 900 pesos kasama na ang kickback at ang mga naipon ko sa baon ko,sa pagtitiis ng gutom at sa paglalakad imbis na mamasahe ako.

At nabili ko ang kauna-unahang SANDATA ko

PAgkakaalala ko sunburst pa ang kulay ng Gitara ko,
Acoustic at steel ang strings. . .
Mejo mababa ang kalidad pero maganda na siya para sa 900 pesos na gitara. . .

Inuwi ko siya bit-bit at walang kaha. . .

Para akong naglalakad papunta sa aking irog at kakantahan ng harana.

HAHAHA HAHAHA sige na korni na ,tawa pa. ang epal.

Umuwi agad ako ng bahay upang tugtugin ang aking gitara.

Ang hirap pala magbit-bit ng gitara lalo na kung wala kang kaha pero syempre LABOR OF LOVE
kahit maliit lang ang katawan ko at konti lang ang lamang sa timbang ng gitara ko sa timbang ko, nagtyaga ako.

Sa bahay, plak, dhhhoooongggggg!, plak donggggggggg!, plak dinggggggggggggg! plak tinggggggggg! plak twinggggggggg!, plak tweeeeeeeeeeen!,


THUWURENK! ay sabit!

hahaha! tanda ko pa noong una kong tipa sa gitara, bawat pluck ko ng string para akong batang musmos na tuwang tuwa.

kung pwede lang ako gumawa ng guitar tutorial ganyan ang tabulation ko

214:

ding dong ding dong dung dung dung . . . dung dung dung twung twuuung twuuuung. . .

diba? pwede? abnormalities lang ang nakakabasa! >_<

tanda ko pa nasa harap ako ng nililigawan ko nun at sinabi ng kaibigan niya.

@u@: O may gitara ka? tugtog ka nga!
>_<: ay (di alam ang isasagot) ahhhh. . . ahehe kakabili ko lang kasi niyan wala pa akong alam.
@_@: ahhhh owkheeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeei. . .
>_<: (pahiya)

sa mga nagdaang araw bit-bit ko lagi ang gitara ko,
umulan man o umaraw kasama ko siya, kasama ko rin ang dati kong kaibigan para kaming mga tangang may bit-bit ng gitara pero wala kaming alam gitarahin.
HaHaHa! tanda ko pa noon. . .

Maulan, habang nakasakay sa skateboard at bitbit ang gitara palitan kami ng kaibigan ko ng pag bit-bit, di ko inintindi ang ulan basta dala ko ang gitara ko ayus lang! kahit saan! kahit walang alam! GO lang! wooooo!

Hangang sa isang araw. . . .


(O)======< : Dhoooooooongrrrrrrrrrrrrrrr! Donggggggggggggggggggrrr! Dinggggggggggggggrrrrr! tingggggggggggggrrrrrr! twingrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr! tweeeeeeeeeeenrrrr!

>_<: (shet anong nangyari?)

ayun nagiba na ang boses. . . parang batang naligo sa swiming pool, umahaon at humigop ng sopas na mainit napaso ang dila, dali daling uminom ng softdrinks sabay sininok. . . at kumanta ng TOTAL ECLIPSE OF THE HEART!na imagine mo yun?

Ganun ang tunog niya. . . BASAG!

akala ko kasi ok lang dalin sa ulan ang gitara ko. . . akala ko di siya tatablan. . .

Para din pala siyang batang paslit. . .
hangat maari dapat di mahamugan. . .
dapat maiwasang maambunan
at lalung lalu na, masama mabasa sa ulan. . .

dapat pala inaalagaan din siya,
inuunawa at iniingatan. . .

sayang biglang nagkataning ang buhay ng gitara ko. . .

pero may pumatay sa kaniya kaya hindi na niya unti-unting naramdaman ang pagdurusa. . .

kung sino ang salarin. . . iyon ay kapwa niya bata. . .

ayun natapakan. . . BALI ANG LEEG labas ang anim na BITUkA, Sabog ang katawan. . .

Patay. . .

At sa pag ala-ala sa una kong gitarang pumanaw na . . .

Papangalanan ko siya. . .

+PRIMERO+


. . .ito ang kwento ng una kong tipa sa iyo.

Paalam. . . ikaw ang unang nagturo sa akin ng elbimbo. . .

kung buhay ka pa sana ngayon, madami akong kwento sa iyo. . .

No comments: