Para kang ulan. . .
Paminsan minsan lang nandyan,
Sa mga oras na akoy nalulungkot,
lalo mong sinisilaban ang aking lumbay. . .
Sa mga oras na akoy mahina lalo kang lumalakas
at nagiging bagyo,
takpan man ang pandinig, nabibingi parin ako.
di' lang sa iyo kundi sa mga boses ng isan-libong ako.
Pakiramdam ko isa lang ako sa mga ambong pinapakawalan mo,
sabihin mo mang mahalaga ako,
kung mawala ako'y ito'y di kawalan sa iyo.
Ano nga lang ba ako kundi isang parte ng higanteng ulap na ikaw,
umiitim at kumakapal, kapag napuno, umaapaw...
tama na. . . itigil mo na. . .
ayaw ko na sa ulan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment