Dati natatandaan ko pa yung nag report ako sa klase. . .
nursing pa ako noon, Filipino subject. Report ko ay ang "PAKIKINIG"
pinag aralan kong mabuti ang report ko at may anatomy pa ng EAR. . kahit hindi masyadong related isiningit ko parin para mapaganda ang report. . . Maganda ang kinalabasan ng report ko.
Marami akong natutunan sa sarili kong research. . . Totoo:
~ Isa ang Pandinig natin sa unang nadedevelop. Bata palang tayo hindi pa tayo nakakakita pero nakakarinig na tayo.
~ Pandinig natin ang huling nawawala bago tayo tuluyang makatulog.
~ May kakayanan tayong mamili ng mapapakingan natin. Kahit may nag coconcert sa tabi mo o di kaya eh may nagsisigawan sa harap mo. ikaw parin ang maimimili kung ano ang pakikingan mo. Ang tenga natin ay para mata, may kakayanang mag focus sa kung ano mang tunog ang gusto nitong marinig.
~ Pandinig rin daw natin ang huling nawawala pag namatay na tayo. ( kaya pwede pa raw tayong bumulong sa patay kahit matigas na ito. [mga 2 oras yata bago tuluyang mawala ang pandinig ng patay.])
Totoo nga naman. . lahat ng tao may kakayahang makarinig. . .pero hindi lahat nakikinig. Masasabi kong talento ang pakikinig at bihira ang taong totoong nakikinig.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment