Sunday, February 17, 2008

Sa Wakas. . .

. . .
Halos tatlong Linggo akong Nag tiis ng Gutom para lang makaipon. . .
Para saan?
Sa MP3 Player na inaasam-asam ko. . .
Para saan?
Para makapagpraktis ng Gitara, Violin, Bongos at Piano at makapag record ng tugtugan. . .
Para saan?
Para sa Banda naming Tatlo. . .

maswerte ako't nakapag canvas ako ng presyo. palitpat-lipat ako ng mall para maghanap ng pinakasulit na Mp3 player para sulit naman ang pinagipunan kong pera, (at sa konting abuloy ng ERMATS ko) sa aking paghahanap nakakita ako ng mga orig,peke,imitasyon at mga ilusyon (haha) may mga makukulay, may mga maporma, may parang cellphone na ang itsura, mayroon din parang oblong na bareta, may sinliit ng kahon ng posporo may sinlaki ng inidoro (may ganun?) pero ano ang bibilin ko? SYEMPRE yung mura! (haha) yung mapapakinabangan at una sa lahat may voice recorder. . . at. . . TENENENENT TENEN! hayun nagkita kami ng aking walastik na mp3 player. Panis na panis nga ang ipod eh. . . kasi sa mp3 player ko may speaker na may voice recorder pa, at yun ang maganda dahil may voice recorder, madali na naming maisasalin ang mga records namin sa garapon este~ sa 'pyuter hayyy. . . sulit naman ang 880PHP ko dahil astig talaga at mapapakinabangan ko ng husto ang aking MP3. pero di parin ako gagaya sa mga taong nakikita ko sa biyahe at sa daan. . . yung mga laging may earphones at sandamak-mak na tutuli at luga na ang nakikijaming sa tenga nila.

(-_-)
(Ganito itsura nila . . .mga walang pake.)

No comments: