Sunday, February 10, 2008

POLITICAL MIGRANE v1.1

...
Ayoko manghimasok sa mga issue ngayon sa Pinas Lozada Kidnnaping, JDV issues, Political Shits na nakakasira lang ng araw. . .

Naalala ko nung P.E. Subject namin, kamakailan lang nagkwento ang P.E. Teacher ko. . . medyo na late ako sa klase dahil nag iikot pa ako sa campus at U-Belt naabutan ko ang kwentuhan portion nya. . . tapos na kasi ang P.E. namin, kalahati lang ng Semester ang Physical Education sa CAmpus namin. . . Last day na namin yun. . . pag pasok ko nagkwe-kwento ang Prof. namin tungkol sa pulitika at mga issue sa bansa. . .

HEHE. . . magandang usapan to. . . HEHE
Ano nga ba ang pakielam ng isang P.E. Teacher sa Pulitika at Ekonomiya ng bansa?
Kung iisipin niyo wala. . . Pero isa rin sila sa mga naapektuhan ng Sistema ng bansa nating inaamag. . .
BUWIS = TAX
Yan ang inirereklamo niya. . . sa sweldo niya 8,000PHP ang nababawas dahil lang sa TAX
TAX na Ibinibigay natin sa bansa natin para gumanda ang pamamalakad, kontribyusyon ng mga mang-gagawang Pilipino para makatulong sa pag unlad ng bansa natin. .
PERO
San napupunta? Sa mga WALANGHIYANG mga KURAKOT NA POLITICAL ROBBERS,
Mga Pesteng Nasa Pwesto na Hindi naapektuhan ng Kahit isprayan mo ng RAID at BAYGON
Imaginin mo sa WALONG LIBONG yon marami nang mapapakinabangan sa perang iyon. . . pero winawaldas lang ng mga Lintik na mga Irespnsableng nasa PWESTO.
Totoo. . . Hindi lahat ng nasa GOBYERNO ay kurakot. . . Pero karamihan ganun ang gawain. . .
Nakakainis isipin na kapag nagtrabaho na ako, malaking pera ang makakaltas sa akin... Imbis na
ipangkakain ko eh ibibigay ko pa sa gobyerno, ni hindi mo alam kung saan mapupunta ang perang pinaghirapan mong kitain. . .
SANA MAY GPRS ANG PERA NOH?
Ok siguro yon. . . pero baka gumawa lang ng GPRS detector ang mga magnanakaw. . . Lintik. . .
Pulitika, Pera, Sistema, Disiplina, Pagiging mang-mang.
yan ang problema ng Pinoy. . .
Tama nga ang sabi ng Paborito kong propesor dati. . .
Walang mababago kung walang magsasakripisyo para sa pagbabago. . .
Kaya nga eto nag Ganito ako. . . para magkaron kahit papaano.
Kita-kits nalang sa classroom.

No comments: