Paminsan nagsisinungaling tayo sa mga sarili natin,
Mga tipong naniniwala ka na maayos ka. . . pero sa loob-loob mo may parang unos na bumubulabog sayo. Mayroong dumadagundong na kaba sa dibdib mo, takot na naghihintay na makawala, pero nakakulong sa illusyon ng mga paniniwala mo.
Mga di mo makontrol na desisyon, mga personal mong pangako na di mo matupad para sa sarili mo. . . pinaniniwalaan mong matutupad mo ang mga binitawang salita sa sarili mo, pero sa huli maiinis ka lang dahil niloko mo lang ang sarili mo, pinaasa, at isinugal ang sarili mong mga bukambibig. . .
mahihiya ka sa sarili mo dahil natalo ka ng sarili mo. . . malabong aninong patuloy na susunod sa bawat hakbang mo sa liwanag, mga boses na patuloy na bubulabog sa konsensya mo,
PERO
naniniwala ka ba na totoo ka sa sarili mo o nagpapaka totoo lang ang sarili mo dahil ayaw niyang lokohin ang sarili niya. . . sino ba ang sarili mo?
Ikaw ba ang parte ng katawan mo na humuhulma sa buong pagkatao mo o ang pagkatao mo na humuhulma sa buong parte ng katawan mo?
Titingin ka sa salamin . . . patung-patong na eye-bags at sapin-sapin na pagod ang babakas sa mukha mo. . . sabay tatanungin mo ang sarili mo. . .

Ano ba talaga ang gusto mo?
1 comment:
manLoko kana ng tao,,waG mo Lang Lokohin sariLi mo hehehe,,
Post a Comment