Ang hirap patayin ng oras. . . lalu na pag wala yung kaisa isang bagay na pang murder mo sa mga mga oras na nasa pagitan ng alas nuebe at ala una y medya. Isang mahabang Patlang na kailangang lagyan at punan ng sagot para di malumbay at malungkot. . . hangang marso ang prosesong to. . . nagiging alipin ako ng oras.
Gitarang di ko pa nakukuha, Gameboy na walang baterya, Pitakang kailangang mag tiis, tanging libro nalang ng E-heads ang nagbibigay ligaya. . .
Sa ilalim ng puno ng Mangga. doon ako pabalik-balik, banyo lang at pagkulo ng sikmura ang nagpapa-alis sa akin. . . Dito ako madalas mag Isang gumigimik . . . hayyy. . . kung gago lang ako inubos ko ang pera ko sa pag do DOTA, pero, natutunan kong magtiis dahil ayokong gastahin ang bente bawat oras na wala rin namang mapupuntahang maganda. . .
Hangang marso ang proseso. . . Hangang Marso ang Prosisyon. . . Pagkahaba-haba ng munting bakasyon. . . kung pwede lang magbaon ng kama, unan at kape. kung pwede lang humiga sa mga damo ng aking iskwela. . . kung pwede lang pabilisin ang oras pansamantala. . . wala. . . wala lang talaga akong magawa pag di kumpleto ang mga bagay na nagbibigay sa akin ng ligaya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment