Sunday, January 27, 2008

TA(O)YO


Tuwing nasa biyahe ako . . .

Tuwing napapasama sa mararaming tao . . .

Tulad sa LRT, Quiapo, Baclaran . . .

O saan man lugar na madalas ay matao;

Nararamdaman kong parang isa lang akong maliit na porsyento ng mga taong nasa paligid ko.

Isa nanaman akong salot na magbibigay ng sakit ng ulo sa mundo.

Isa lang akong tao na araw araw nakikisabay sa ikot ng buhay.

Isang Makina na Sumasabay sa mga iba pang MAKINA.

pero lagi ko nalang iniisip. . .



HINDI AKO BASTA BASTA TAO.


HINDI LANG AKO MABUBUHAY MAPAPAGOD AT MAMAMATAY.


GUSTO KO NG PAGBABAGO.


HINDI AKO PANGKARANIWAN.


KAKAIBA AKO SA IBA.


PERO TAO PARIN AKO.





Sa araw-araw tumitingin ako sa mga taong nakakasabay ko at nakikita ko. . .


May masaya, May malungkot, May galit, May walang pakielam, May papansin, May kulang sa pansin, May Mayaman, May Mahirap, pero nakakapagod pala i-categorize ang mga tao. . .tsk. . .

Pare-Pareho lang naman tayo bakit pa natin kailangan mapabilang sa isang grupo. . . kailangan ba? pare-pareho din naman tayong magiging abo sa huli. . . anong silbi ng pagkukumpara mo sa ibang tao. . .


Isa sa mga problema ng tao kaya siya nagkakaproblema ay dahil sa. . .





i·so·la·tion (noun)


1.
separation from others: the process of separating somebody or something from others, or the fact of being alone and separated from others
2.
geographic remoteness: remoteness from other inhabited areas or buildings
in isolation
1. separate from other related factors or things
We have to look at the problem in isolation.
2. alone and physically separated from other people


----


Pero para sa akin hindi mismong paghihiwalay mo sa sarili mo sa iba, kundi ang pagiisip mo na iba ka sa iba at hindi ka kasapi ng iba. (gets mo?)




ok ganito nalang. . . Kunwari isa kang kamatis. . . umalis ka sa bayong ng mga kapwa mo kamatis para sabihan silang mga bulok na kamatis at ipagmalaki mo na ikaw ay isang talong. . . sinong mas tanga/inutil/tonto/hangal/moron/istupido/bobo?





. . . para sa akin kung gusto mo ihiwalay ang sarili mo sa buong sankatauhan. . . ihiwalay mo ang sarili mo sa paraang kasama ka parin at kasapi ka parin ng buong mundo tungo sa pagbabago. . . (gets mo uli?)




ok ganito uli. . . Kunwari isa kang HALAMAN. . . Umalis ka sa dati mong lupa dahil wala kang sustansiyang nakukuha at napapansin mong ang mga kasama mong halaman ay nalalanta. . . pumunta ka sa lupang mas mataba at doon muna lumagi. . . ngayon, ikaw ay malusog na HALAMAN na, at napatunayan mong mas maganda sa pwestong kinatataniman mo ngayon. . . yayayain mo ang ibang halaman na tumabi sayo para mas lumago sila at hindi malanta. . .




Sana maging ganito ang mentalidad ng lahat . . . yung tipong lahat umaangat . . . yung tipong hindi lahat ng sisi ituturo natin sa gobyerno o sa ibang tao. . . kung ganito ang ugali nating lahat . . . hindi na natin ka-kakailanganin pa ng gobyerno. . . tayo na mismo ang gobyernong magpapaunlad sa sarili natin. . . tayo na mismo ang magpapatibay sa atin.
You must not lose faith in humanity. Humanity is an ocean; if a few drops of the ocean are dirty, the ocean does not become dirty. ~ Mahatma Gandhi




...






No comments: