Monday, January 21, 2008

Paalam na

...

Isa si Rico Blanco sa mga inidolo ko noong kabataan ko. . .

Isang tinitingalang musikero at estrangherong miminsang nagtanim ng epekto sa buhay ko.
Mga kantang "IF" na isa sa mga una kong natugtog sa gitara at ang all time favorite song ko na "214" na siyang isinulat niya . . . mga kantang miminsang nagpatibok sa puso ng mga naging karelasyon ko.

Tanda ko pa noon noong mga panahong nagswi-swiming kami sa isang resort ng mga kaklase/barkada ko. . .

May nakapagsabi sa akin sa kalagitnaan ng mga usap-usapang wala namang laman kundi tawanan na "Patay na si Bamboo" kesyo "Nagka kanser daw at sinawing palad," at "Na adik at namatay" mga ganoong banat bah. . .

Mabilis pa naman ako maniwala sa sabi sabi. . . Kaya buong-buo kong tinangap ang kwento ng kaibigan kong BARBERO.

Ilang taon ko ring dinala ang paniniwalang PATAY na nga ang isa sa mga BOKALISTA ng bandang RIVERMAYA. . . wala akong alam basta alam ko naririnig ko ang kanta nila at isa ang RIVERMAYA sa mga una kong biniling CD bukod sa mga tape ng CHEESE at SYSTEM OF A DOWN. . . Pero aaminin ko ang unang una kong biniling TAPE sa talambuhay ko ay BOYZONE (ngisi)


Paulit-ulit kong tinutugtog ang mga kanta ng RIVERMAYA sa aking DISCMAN gabi-gabi at nagdadasal na tila nagnonobena na "sana sumapi sa akin si BAMBOO at IBIGAY niya ang BOSES niya sa akin". . . Wierd noh? pero wala kong hiyang aaminin na ginawa ko talaga yun. Peksman. . . Mamatay man lahat ng pogi rock sa mundo.


Buong paniniwala ko wala na si BAMBOO at sa isang bokalista nalang ako tumingala, kay RICO BLANCO. . . oo Idolo ko siya dahil bukod sa may boses, Composer na, Pianista pa, Gitarista pa at Halos lahat siya ang gumagawa. . . kaya di ako magtataka kung bakit sikat ang RIVERMAYA sa loob at labas ng bansa. . . pagod at mga ideyang pagdaraanan lamang ng isang tunay na musikerong pinanindigan lahat ng ginawa niya. . .

Saka ko lang nalaman na buhay pa PALA si BAMBOO ng lumabas ang kantang NOYPI. . . unang rinig ko sa kantang iyon. . .

"ASTIG ! TEKA! PARANG PAMILYAR AH?!"
PARA AKONG NAKARINIG NG MULTO
Doon ko napagtanto na di nga ako nagkakamali. . . buhay nga ang isa sa mga idolo ko. . . gumawa siya ng sarili niyang banda kasama ang mga hari ng musika.
Pero si RICO?. . . nandun at nanatili kasama ang drummer niya. . . tuloy parin ang banda kahit pa sundot sundot lang ng kanta sa mga hit charts pero sa bawat sundot di pwe pwedeng bumaba sila sa top five. . . dadaan muna ang mahabang panahon bago sila mawala sa trono.
Kung papipiliin ako sa dalawa???. . .
BAMBOO o RICO
si BAMBOO. . . Mas mahirap na puhunan ang TALENTO at UTAK kaysa sa BOSES at APPEAL...
Pero pagkakarinig ko. . . Mag SOSOLO artist na raw si RICO BLANCO. . . sabagay. . . kayang kaya niya. . . kung isang bigating banda nga naibangon noya. . . sarili pa kaya niya? di ako magtataka kung hangang saan ang maabot niya. . . bastat alam ko isa siya sa mga taong buong buhay kong titingalain at tutularan. . .
Di ko lang talaga mapigilang mapaiyak sa Music Video na to. . .





No comments: