Napapangiti nalang ako pag naalala ko ang mga araw ng Abril kung saan ipnagdiriwang ang MAHAL na araw. . .
Sa sobrang kamang-mangan ko, wala akong alam sa kung ano mang nangyayari sa paligid ko, ang alam ko lang eh walang pasok at araw araw kong mapapanood ang batibot, sineskwela, bioman, shaider, maskman, machineman, at ang mga kilalang bayani na nagliligtas sa akin sa mga tanghaling nakakapagpatulog dahil sa boredome. . .
Madalas sa mga araw na iyon ay nasa labas lang ako ng bahay, nakatambay kasabay ang mga pinsan ko at mga kalaro kong napulot ko lang sa magkabilang kanto ng San diego (CALIFORNIA?) [engkkkkkkkkkkkk!...] Subdivision (Exclusive for the Drug Lords and Squaters) lahat kami walang magawa dahil tanghali at mainit at galit na galit ang araw . . . tila papatayin kami sa heatstroke at bungang araw. . . nakaupo kaming lahat sa saradong tindahan ng lugawan, kung saan magkwe kwentuhan ng kung anu-ano...
Tanda ko pa noon ng una kong marinig ang salitang "MAHAL NA ARAW"
Mahal na araw? Anu yun?
Mahal na araw??? Mahal ang Araw ngayon??? Nabibili ba ang araw??? magkano ang Araw??? Sinong Bibili ng araw??? Pwede ko rin bang bilhin ang araw??? Mas mahal ba yun sa IPOD? (wala pang ipod nun ~_~)
Sobrang napakamisteryoso at di ko alam ang ibig sabihin ng salitang iyon. . . at isa pang misteryong di ko maintindihan ay kung bakit PURO GULAY ANG ULAM NAMIN!?!?!
Parang twilight zone ang mga panahong iyon. . . Lahat ng palabas sa telebisyon may long hair na mama at maraming ka tropa. . . lahat ng channel halos rainbow colored. . . kung may palabas man ay laging may krus at mga taong naghahampas ng lubid o pat-pat sa likod nila. . . nagtataka ako kung pati ba sila shaider at voltes five eh nag re rest day din??? pati ba mga dambuhalang halimaw may day off din? san kaya sila tumatambay??? Amsterdam??
WierD. . .
Isang beses pa nga eh sinabihan ako ng nanay ko . . .
"WAG KANG MALILIGO DUGO ANG LALABAS SA GRIPO"
Tang iNA NAY! Tama ba YUN!?!
Di na makatarungang makarinig ng ganoon kung kailan Init na Init ka na. . . Nanlilimahid ka na sa lagkit at sa bawat kaskas mo sa balat mo ay nakakaipon ka ng grasa Este! Libag sa maghapon mong paglalaro. . .
AMOY ARAW KANA!
isa pa yun! may amoy ba ang araw??? Pwede rin bang AMOY BWAN kana?!
At teka.... May nakaamoy naba sa araw?
Nakakatakot. . .
miski isang batang pinalaki sa simbahan o kumbento ay mapapamura ng
"Holy Syit!"
Hangang sa mga lumaki ako dala dala ko ang mga pamahiin at paniniwalang iyan. . .
Parang mga pakong nakabaon na rin sa pagiisip ko
Nananatili...
Kinakalawang. . .
Nakakahawa. . .
Nakaka TRAUMA
Siguro dapat baguhin natin ang paniniwalang mga tulad nito. . .
Nakakatakot para sa isang batang tulad ko dati, na walang alam gawin sa mga araw ng bakasyon
kundi mag laro ng maglaro, pumapak ng asukal, kumain ng champorado, manghuli ng butete at mag produce ng pawis para magpagana ng boses ng LOLA niya na parang may generator at automatic na sasabihing!
"BRAWRRRRRRRRRR! BIEN TANGHALI NA PUMASOK KANA AT MATULOG KA DITO! MAY TATLONG DRAKULANG NAKAABANG DIYAN SA KANTO SIGE KA! RhUwaAAAAAAAAAAAAAwr!"
nilagnat ako dun. . . pramis!
No comments:
Post a Comment