Pinilit kitang layuan,
Ang matigas at matatag na pangakong aking binitawan,
mula sa bibig kong iyong tinambayan,
mula noong akoy nalulumbay,
hangang akoy nakawala na sa selda ng pagkamatay.
Saksi ka sa bawat pagkakataong akoy nag-iisa,
di ka lang nag iisa dahil lahat kayo sinamahan ako.
sa bawat pagsisisi at pagsusumbat ko sa mundo,
bilib nga ako senyo.
buti pa kayo walang problema. . .
buti pa kayo walang reklamo. . .
aaminin kong masarap kang kasama,
aaminin kong masaya kang ka tropa,
kaya lang lagi kang namamatay...
maikli lang ang taning ng iyong buhay...
buti ka pa't di mo nararanasan ang maagnas,
dahil nagiging abo ka kaagad,
umaakyat sa langit ang kaluluwa mo,
ngunit nananatili ka parin sa loob ko...
sinubukan kong magpaalam,
pero kusa kang bumabalik,
sinubukan kong tigilan ang pag habol,
ngunit sayo parin nakakapit,
sinubukan kong lumayo,
pero di ko kayang makitang may kasama kang iba,
at ikaw ay hawak niya,
kahit nakakasakit at akoy nagkakasakit...
ano naman? basta masaya...
ganun din naman. . .
mamamatay at mamamatay tayong dalawa...
kita nalang tayo bukas ng umaga...
doon uli sa may morayta...
doon sa araneta...
pwede na rin sa ibang planeta...
at kung saan may okasyon...
dyan ka lang.
dito lang ako.
mag pa usok tayo...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
hehehhe..
my ginawa rin ako about sa yoci,,d pa nakapost,,Libro paLAng ,heheh
Post a Comment