Nakakamiss din mag yosi. . . pero kahit anong gawin ko di ko malaman sa sarili ko.
na kung bakit sa dinami dami ng pwede iwasan Eh parang yosi lang ang kaya ko talgang talikuran. . .
Hindi naman sa pagmamayabang o pagpapataas ng sarili. . .
mayroon akong ewan na hindi kaya ng ibang nagyoyosi. . . ang tumigil at disiplinahin ang sarili na kapag sinabing titigil ako o titigil muna ako eh . . . tyak yun!
sa iba titigil daw. . . pero makikita mo nalang kinabukasan na may hawak na sindi at mapapatanong ka nalang
"kala ko ba tigil ka na?"
sabay sagot niyang. . .
"Ah. . .Eh. . .Akala ko rin eh! akala mo lang yun!"
di ko alam. . . kung bakit sila ganon at ako hindi ganoon. . . hinala ko nga taga ibang planeta na ako sa lagay na to eh.
Ewan. . . basta halos isat kalahating linggo na akong di nagyoyosi simula nung magkasakit ako bago mag new year. . . actually inunahan pa ako ng sakit ko bago ko man lang matikman ang pinaka huling yosi ko ng 2007 eh. tadhana nga naman parang destiny lang.
pero masaya ako dahil kontrolado ko ang sarili ko sa ganitong bagay. . . (ewan ko lang sa ibang bagay ko.)
siguro nasa isip ko lang talaga na kung titigil ako edi titigil. . . may mawawala ba sa akin? may makukuha ba ako sa yosi? saka nalang . . . linisin ko lang laman loob ko. . . este baga pala... hmmm...
may plano ako hangat kaya ko tong ituloy hangang sa END of JUNE eh itutuloy tuloy ko na to hangang sa tumanda na ako. pero kung may dumating na EWAN (nanaman) bahala na si bathala. . . basta sa ngayon iwas muna sa usok. . . alkohol pwede pa. . . malinis naman yun eh. . . pag sa balat nga lang. . .
No comments:
Post a Comment