Monday, January 14, 2008

ENOHPLLEC

Araw-araw mo akong kasama,
Ang gumigising sa iyo sa bawat bukang liwayway,
at Madalas katitigan mo sa umaga.

Maya't maya mo akong sinisilip,
kung tao lang ako ay sasabog ang aking utak at dib-dib.
pero hindi...
kuntento na ako sa pagiging ganito.

Tanda mo pa ba yung torpe ka pa,
ako ang naging daan para ikaw ay makapanligaw
at maging paraan para kayo'y maging malapit sa isa't isa.

Lahat ginawa ko na para sa iyo,
kahit wala ka ay sinusustentuha mo ang simpleng pangangailangan ko.
pero sobra sobra ang ang mga naibibigay ko sa iyo,
kahit alam kong ako lang naman ay isa sa mga ginagamit mo.

buti nalang di ako nasasaktan,
dahil kung ako lang ay may pakiramdam,
tiyak na akoy mabilis na sa iyo'y magpapaalam,
walang dahilan at walang pag aalinlangan.

naririnig ko ang saya,
nababasa ko ang iyong mga lumbay,
ako ang una mong sinisigawan pag ikaw ay galit,
ngunit sa akin ka rin muling bubulong at magmamaka awa.

sa gabi ako ang iyong huling hawak,
sa gabi kung saan tititigan at kakausapin paminsan.
minsan naiiwan mo nalang ako habang unti-unti mo akong tinutulugan.
saksi ako sa iyong paghimlay.

Itago mo nalang ako sa iyo,
at hawakan mo ako pag akoy kailangan mo.
yun lang naman ang trabaho ko.
ang maging gamit personal na gamit mo.


di m gets? cellphone ako... hahaha X_X

~VN

1 comment:

Anonymous said...

gets ko un ah,,

hehhehe,,

ako naman,,pede ng ipalit sa anino ko ang cp,,hahahaha