Tuesday, December 4, 2007

GENESIS 11:11



Hmmm... walang magawa I came from school planing to go home early but it turned out na inabot nanaman ako ng sinag ng bwan...
ano bang masarap ilagay dito?

pano ko ba sisimulan to?
sige ganito nalang... (ehem... Ehem...)


† INTRODUKSYON †



Eto ang Blog ko ... wala akong pake . . . These are my PERSONAL ideas, thoughts, fantasies and Conviction... Tungkol sa akin?


Well and masasabi ko ay ako ay isa lamang pangkaraniwang tao... gumigising ng maaga... umuuwi madalas ng umaga... yosi ang madalas kong kasama pag busog at inaantok... a person who is very much adiccted to sweets, kaya bet ko mamamatay ako ng maaga dahil magkakadyabetis ako at kakagatin ng isang kaprasong langgam at kakainin ang buong katawan ko ng isang malubhang sugat na hindi gumagaling na dulot ng kagat ng isa lamang pinakamumunting nilalang na pinangalanan nating "LANG - GAM" na halos maliit pa sa butas ng karayom ang kagat sa akin, mga 1000 nanometer lang ang sukat mas maliit pa sa molecules ng utak ni Erap na siyang nagpabagsak ng ekonomiya ng Pilipinas ( MAntakin mo isa tayo sa mayayamang bansa dati dito sa Asya nasan na tayo ngayon?) Galing ako sa DNA ni Zenaida Batallones at ng aking Non-Existent nang ama na si Benjamin "BOBOT" Carlos... Galing ako sa Broken family kaya Broken din ang aking GENES at kulang ang aking Chromosomes na dapat ay 23 Chormosomes ngayon 20 nalang... pero cool padin ako.


Masasabi ko na akoy isang INDEPENDENT na MANUNULAT dahil ang aking mga gawa ay mula sa aking isipan lamang at sa mga eksperyensyang aking nararanasan at nalalagpasan. Masasabi kong akoy isang taong may konting sapak, konting seryoso pero madalas Makulit... As in... Pero nilulugar ko ang aking mga ugali ngunit, datapwat kung ito ay naapektuhan ng atmospera ng katangahan at kawalang kakwentahan ng mga taong pumapaligid ay nagbabago ang ugali ko at nagiging isa akong NEUROTIC [ affected by neurosis: relating to, involving, affected by, or characteristic of a mild psychiatric disorder characterized by depression, anxiety, or hypochondria ] dahil ayoko sa lahat ay taong BOBO at WALANG KWENTA mga taong tipong walang lugar at walang sense na bigla nalang sumusulpot sa mundo na parang mga Kabuteng ginagawang drugs ng mga taga CalL Center upang malabanan ang antok at kahit papaanoy Lumipas ang kanilang miserableng buhay...


[ Kung tinatatamaan ka man sa mga sinasabi ko sorry ka nalang ILAG ka nalang... PANO? simple... Magbago ka ]


Isa akong Estudyante ng FEU (Far Eastern University) Kurso ko ay EDUKASYON ( General Education ) Akoy isang produkto rin ng mga NURSING STUDENTS na nasira ang ulo at naadik sa larong kompyuter na tinatawag na DOTA ngunit namulat sa katotohanan na hindi pala lahat ng sinasabi ng tao kailangan mong sundin, kayat heto akot ginagawa ang gusto kong gawin ang MAGTURO at MANG IMPLUWENSYA NG TAO na maaring magpabago ng ikot ng mundo *Twisting Turn*... eto ang natutunan ko sa aking pagkabigo sa aking unang kurso


"kung may gusto kang gawin at mamahalin mo ito't ikasasaya ng buhay mo GAWIN MO! tang INA KA!" -_- ( sorry nadala ako ng aking damdamin )


Bakit ba ako nagsusulat???


naniniwala akong na kung mayroon ka sa loob mo na hindi mo ILALABAS kusa itong mabubulok at hindi na mapapakinabangan aakyat ito sa utak mo at kakalat sa buong pagkatao mo at magdudulot ng sakit na kilala sa tawag na
"KAMANG - MANGAN", nagsusulat ako para sa aking personal na kasiyahan at paghahasa ng aking bokabularyo at talento... Hindi ako magaling na Manunulat akoy isang pangkaraniwang tao lamang na may sapat na Kaalaman sa pagsulat. Hindi ko perpekto ang Lingua Pura o ang Ingles.. Hanggat maari gusto kong magsulat sa wikang PIlipino dahil mas naipapaabot ko ang aking mga mensahe sa aking mga masugid na mambabasa... Salamat nga pala sa inyong suporta...
Naitigil ko nga pala ang aking unang BLOG ( comes from the word WEBLOG ) dahil sa kadahilanang pagkakaiba ng mga sulatin ko noon .. mga IDEA na nagbabago sa pagtakbo ng walang humpay na PANAHON... NAgkakaron din ng EBOLUSYON ang pagsusulat ... yan ang aking paniniwala... ngunit ang aking mga CONVICTION ay nananatili...

At Muli ako nga pala ang Awtor ng BLOG na ito... Balang araw ay isasalin ko to sa pahina na mababasa ng madla at kahit papaano ay magbunga ang aking mga gawa pangarap kong marinig ako ng mga espesyal na taong nakakaintindi sa aking mga pananaw at paniniwala...

"Hindi lahat ng binabasa ay para sa lahat ng tao... may mga babasahin na nakalaan lamang sa mga taong naliliwanagan at maliwanag ang pagiisip at bukas ang utak sa lahat ng bagay" ~VN

bago ako matapos iiwan ko muna to sa lahat ng tagabasa ko...


"Magiwan tayo ng Magandang Lamat sa mundo."~VN





Nuff said...babay muna

No comments: