Wednesday, March 12, 2008

HUDAS

Kung Pwede lang kitang sapakin, sinapak na kita...
May kasunduan tayong hayup ka!
malinaw ang usapan,
akala ko tayo'y nagkaintindihan!
pero bakit!
papaano mo nagawa sa akin to!
kung mararamdaman mo lang ang lapat ng kamao ko sa matigas mong balat,
kung kaya ko lang baliin ang maliit at manipis mong katawan,
kung kaya ko lang basagin ang kaplastikan mo!
pero wala akong magagawa alam ko may pinagsamahan tayo!

lintik ka! di moko ginising!
usapan natin alas kwatro-kwarentay singko ng umaga akoy iyong bubulabugin!
tignan mo, matuwid na matuwid na ang pagkakatuwid ng ala-sais ng umaga sa relo ko!
hayyy buhay. . . late nanaman ako!
tinraydor mo nanaman ako.

No comments: