Tuesday, March 4, 2008

GUILT

Kadalasan ako ang nabibiktima,
ng mga salitang ako narin ang nagbibitaw,
ng mga panatang ako rin ang Susuway,
ng mga planong ako rin ang ang sisira,
mga pangakong ako rin naman ang
pilit kong ipupukpok sa ulo ngunit mababaliko't mapapako,
ng mga sulating ako rin mismo ang pupunit,
ng mga batas na ako rin naman ang lalabag,

Nakakapagpabagabag. . .

No comments: