Friday, February 22, 2008

Bulakbol

7:00 am



May pasok ako ng 9:00. Dapat may report ako tungkol sa "CHANT" pero tangna ako lang mag-isa. . . may na print na ako na dapat ipa acetate pero. . . tamad. . . tinatamad ako. . . wala akong gana mag report. . . bakit? ayokong mag report ng topic na wala naman akong alam at wala akong pakielam. . . alam ko ang "chant," ang di ko alam eh kung papaano ko gagawin yoon ng mag isa lang ako. . . wala nang oras, wala nang panahon para mag aksaya ng utak at pagod. . . matulog nalang. . . Juan tamad mode.

Nagising ako ng mga bandang quarter to 9:00. Nag-iisip parin ako kung papasok ako kung papasok o hindi. . . sasayangin ko ba ang pamasahe para pumasok sa iisang subject na sigurado namang papasa ako. . .

Bulakbol mode. "Minsan lang naman(uli)." sabi ko sa sarili ko (hehe) naligo, nagbihis, tumingin sa kaldero (punyeta walang ulam) umalis ng bahay. kumain sa pinakamalapit na karinderya...

DINUGUAN. . . hmmmmmmmmmm. . . subo. ..subo. . . uy may chicks na bumili ng yosi. . . hmmm subo. . . subo. . . tingin sa p - - t ng chicks na lumapit sa akin para magyosi...hmmm ... tsalap ng dinuguan (hehe) . . . inom. . . tayo . . . sinilip ang mukha ng babae. . . tae di ko makita. . . dumiretso sa bayaran (baka mahalatang interesado ako haha). . .
Busog na ako't nagdalawang isip kung susubo ba ng sigarilyo o hindi. . . nanalo ang demonyo. . .
Tsiiiiiiiik. . .Tsiiiik. . . hit-hit. . . puffffffffffffffff. . . .

lakad. . . nag abang ng jeep masasakyan. . . tumingin sa waiting shed. . . (uy eto yung babaeng nagyoyosi kanina ahhh) . . . tinignan ang mukha . . . sabay

OH MHEN!
EX GIRLFRIEND KO PALA! hahahah!
konting kamustahan, konting kwentuhan, "Naks FEU kana pala?!" sabi nya "OO haha! syempre wala kana dun eh" tugon ko (hahaha) sabay pinasakay ko na sya, sinabi ko nalang "sakay kana baka ma late kapa " dahil wala na akong masabi, dahil nagulat talaga ako na siya pala yung babaeng tinitignan tignan ko. (buhay nga naman)
. . . para akong tanga tumitingin ako sa babaeng naging karelasyon ko na pala hahahah! IRONIC.
At hayun humayo ako sa pinaka malapit na mall para mamili gamit ang MATA. tipid nga naman. . . actually wala ka talagang gagastusin. . pasok sa shop, pumili ng tipong damit. . .
"CLICK"
{picture picture}
OK bagay sa akin. . . hehe kaya lang tatlong libo halos ang trip kong jacket. . haha! BOBO LAng ang bibili nun!
Inikot ang buong mall napagod. . .
Niyaya ng kaibigan para mag laro ng 'pyuter. . .
nag sawa. . .
umuwi. . .
Sakit sa ulo. . .
SAbay tulog. . .
Ano ang napulot kong aral?
Wag tumingin at mag- nasa sa mga babae, dahil baka EX-Girlfriend mo na pala ang tinitignan mo. . . at lalong lalo na . . . wag magnasa sa mga gamit na hindi kaya ng bulsa mo. . . bakit?
Ma re-realize mo lang na isa kang DUKHA at sasama ang loob mo.
bow.

No comments: