Wednesday, January 2, 2008

If we don't change direction soon, we'll end up where we're going.

Sa araw-araw kong paglakad sa Mga Kalsada at eskinita ng Morayta at Mendiola

Sari Saring Rally ang Nakikita ko...

Mga Estudyanteng Mula pa sa ibang lupalop na may hawak na Banner,

Mga Manong At Manang Na May Dalang Placard,

Sandamukal na taong nakaupo at nakikinig sa iisa o iilang nasa ibabaw ng sasakyan o entablado at may hawak na megaphone,

Mga naguusyosong mga dumadaan,

Mga Tindera ng Yosi at Gulaman na masayang masaya dahil malakas ang benta gawa ng maraming tao.

. . . Iisa ang isinisigaw nila GOBYERNO, PROBLEMA, SYSTEMA at ang paulit ulit na PUTANG INA! at ang mga kamag anak pa nitong MURA.





nakakasawa. . .

parang paulit ulit na eksena sa pelikula kung saan magchi-chikahan at mag mumurahan muna si Bembol Rocco at Eddie Garcia Bago magpatayan sa mga baril na wala man lang kasahan. . .

Eto nalang ang nasa isip ko tuwing nakakakita ako ng ganito. . .

Alam ba ninyo ang pinagsasasabi ninyo?
Ilang pursyento ng ipinaglalaban ninyo ang nauunawaan niyo?
mga putang-ina ninyo!!!. . . tumabi kayo sa daan ko ma le-late nako sa klase ko!

No comments: